^

Punto Mo

Alagang aso sa China, dalawang beses nanalo ng pera sa scratch card!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Golden Retriever sa China ang dalawang beses nakapili ng scratch card na may premyong pera!

Nag-viral kamakailan ang social media post ng isang babae na kinilala lamang sa pangalan na “Miss Lin” tungkol sa kanyang Golden Retriever na may dalang suwerte!

Ayon sa kuwento ni Miss Lin, namamasyal siya sa Guangdong kasama ang kanyang alagang Golden Retriever. Habang nasa isang shopping area, bigla siyang tinakasan ng kanyang aso at tumakbo papasok sa isang shop.

Nang sinundan niya ito, sinalubong siya ng isa sa mga staff ng shop at sinabihan siya na kailangan niyang bilhin ang scratch card na kinagat ng kanyang aso.

Dahil bumakat na ang ­pangil ng kanyang aso sa scratch card, walang nagawa si Miss Lin kundi bayaran ito. Pero nang kaskasin niya ang scratch card nagulat siya nang nanalo ng 1,000 Yuan (katumbas ng P7,700)!

Ayon kay Miss Lin, ito ang unang beses niya manalo nang malaking pera sa kahit anong raffle o game of chance.

Nang sumunod na araw, dinala niya muli ang kanyang aso sa shop at pinapili niya ito ng scratch card. Sa pagkakataong ito, nanalo naman siya ng 30 Yuan (P230).

Bilang premyo sa pagi­ging masuwerte nito, ibinili niya ng treats at canned food ang kanyang aso.

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with