^

Punto Mo

PBBM namagitan na ba sa gusot ng Senado at Kamara?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MUKHANG namagitan na ang Pangulong Bongbong Marcos sa hindi matigil-tigil na bangayan ng mga senador at kongresista sa isyu ng Charter Change (Chacha)?

Kahapon nagkamay sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez at nagkasundo na itigil na ang “word war” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng kongreso.

Ilang linggo nang laman ng mga balita ang pagpapalitan ng mga maaanghang na salita sa mga miyembro ng dalawang kapulungan.

Dumating na sa punto na personalan na ang lumalabas na bangayan.

Ginawa ng dalawang lider ng Kongreso ang kasunduan sa harap mismo ni PBBM sa Malacanang.

Kapwa nagkasundo ang dalawa na  mahinto na ang iringan at propesyunal na  kumilos para sa benepisyo ng mga Pinoy.

Mukha nga kasing hindi na maganda ang nangyayari sa dalawang kapulungan na ito dahil lamang sa isinusulong na Chacha na may kaugnayan sa People’s Initiative (PI).

Parang hindi na makausad, imbes na pag-usapan eh kung ano ang kanilang mga inilalatag sa propesyunal na pamamaraan, parang mga bata na nagbabangayan.

Pero bagama’t nagkamayan   at nagkasundo ang dalawa, ang tanong dito, ganito rin kaya ang gagawin ng mga kasamahan nilang senador at kongresista? Makumbinsi kaya nila ang mga ito na tumigil na?

Baka kasi ang lumabas silang dalawa lang ang nagkasundo at ang kanilang kasama eh hindi.

Kapag ganyan, aba’y mahaba pa ang magaganap na teleserye ugnay sa Chacha at hindi natin alam kung hanggang saan pa ito aabot.

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with