^

Punto Mo

Pirmahan ng bentahan ng lupa, kailangan pa ba sa harap ng bgy. officials?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kailangan ba nasa harap ng mga opisyal ng barangay gawin ang pirmahan ng deed of sale ng lupa? Pinapupunta kasi ako ng ka-deal ko sa lupang balak ko ng bilhin sa barangay hall sa lugar nila. Totoo po ba na kailangan sa harap ng barangay ang pirmahan ng bentahan ng lupa? Dahil ngayon ko lang narinig ang requirement na iyan. —Robert

Dear Robert,

Sa tingin ko ay gusto lang mapanatag ng kausap mo kaya gusto niyang sa harap ng mga opisyal ng barangay kayo magpirmahan. Hindi naman kasi ito makaaapekto sa pagiging valid o pagkakaroon ng bisa ng isang kontratang katulad ng bentahan ng lupa. Magkakaroon ng bisa ang kontrata sa pagitan n’yong dalawa basta’t malaya kayong dalawa na pumasok sa inyong kasunduan, malinaw sa inyong dalawa ang inyong mga napagkasunduan, at nakasaad ang mga ito sa deed of sale na inyong pinirmahan.

Mas mainam na sa halip na sa barangay ay sa notaryo na lang kayo humarap at magpirmahan dahil kakailanganin n’yo rin naman na notaryado and deed of sale. Bagama’t hindi makaa­apekto sa bisa ng deed of sale ang hindi pagpapanotaryo, maha­laga pa rin ito dahil malinaw sa Section 112 ng P.D. 1529 o Pro­perty Registration Decree na kailangang notaryado ang deed of sale upang mailipat sa pangalan ng bumili ang titulo ng lupa.

vuukle comment

PROPERTIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with