^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan mga vape shop na malapit sa eskuwelahan

Pang-masa
EDITORYAL - Bantayan mga vape shop na malapit sa eskuwelahan

Nagbibigay ng alalahanin sa mga magulang ang pagsusulputan ng mga vape shop na malapit sa eskuwelahan. Hindi na ba ito namo-monitor ng mga awtoridad? Ngayong balik-eskuwela na ang mga estudyante, posibleng dumami pa ang mga vape shop sa bisinidad ng mga eskuwelahan na ang parukyano ay mga menor-de-edad na mag-aaral. Kaya malaki ang pangamba ng mga magulang na baka magising na lamang sila isang araw na lulong na sa paggamit ng vape ang kanilang mga anak.

Sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng vape shop sa bisinidad ng eskuwelahan. Pero ang alituntunin ay hindi na naipatutupad at marami na ngang vape shop na nagsulputan sa malapit sa eskuwelahan.

Karaniwang mga high school student ang parukyano ng mga vape shop. Paglabas nila ng school, deretso sila sa vape shop. Hindi lang mga lalaking estudyante ang parukyano kundi mayroon ding mga babaing estudyante. Wala nang pakialam ang mga ito sa pagbubuga ng usok mula sa vape.

Sinabi kamakailan ng Philippine National Police (PNP) na sisitahin nila ang mga kabataan o menor-de-edad na makikita nilang gumagamit ng vape. Hindi na ito nagagawa ng PNP. Mas maganda kung ang mga vape shop na malapit sa school ang pagbawalan nila dahil nakasaad naman ito sa batas. Mas epektibo kung ang mga lumalabag na establisimento ang kanilang sitahin.

Naging batas ang Vape Bill noong Hulyo 2022 kahit hindi nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. Layunin ng batas na ma-regulate ang importasyon, manufacturing, pagbebenta, packaging, distribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine products.

Maraming kumontra sa Vape Bill sapagkat mapanganib sa kalusugan lalo na sa mga kabataan ang paggamit ng vape. Ang vape ay may nicotine, propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na nakaka-addict at nagiging dahilan din ng cancer. Noong 2018, naitala ng Pilipinas ang kauna-unahang e-cigarette o vape associated lung injury na kinasangkutan ng isang 16-anyos na babae sa Visayas. Nakuha ang sakit dahil ang mga kasamahan ng biktima sa bahay ay gumagamit ng vape.

Maaari ring sumabog ang vape habang hinihithit. Gaya ng nangyari sa isang 17-anyos na estudyante sa Quezon City. Pinalitan umano ng baterya ang ginagamit na vape pero hindi akma ang naipalit kaya sumabog. Napinsala ang bibig, ngipin, dila, gilagid, lalamunan, ilong at mata ng estudyante.

Ang Valenzuela pa lamang ang nag-iisang lungsod sa Metro Manila na nagbawal sa vape smoking. Gayahin sana ito ng iba pang lungsod upang ganap na mapigilan ang pagkalulong sa vape, lalo ang mga kabataan. Ipasara naman ang vape shops na malapit sa mga eskuwelahan.

vuukle comment

SCHOOL

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with