^

Punto Mo

Free movie para sa mga patay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Si Prawet Limchareon, 37, isang Thai, ay madalas mapadaan ang sasakyan sa tapat ng sementeryo patungo sa kanyang trabaho. May ugali ang mga Thai na kapag napapadaan sa sementeryo, nagdarasal sila sa mga kaluluwa na iligtas sila sa kapahamakan.

Sa araw-araw na pagdaan niya sa sementeryo, naisip niya, lagi siyang nakikiusap sa mga kaluluwa na iligtas siya sa kapahamakan. Bakit kaya this time, siya naman ang may gawing kabutihan sa mga kaluluwang namamahay sa sementeryong ito? Gusto raw niyang pasayahin ang mga kaluluwa.

Kaya naisip niyang mag-set up ng outdoor cinema sa bakanteng lote ng sementeryo tuwing Linggo ng gabi. Naniniwala siyang kailangan ng mga kaluluwa ang mapaglilibangan. At iyon ang kanyang maiaalay sa mga ito, ang free movie tuwing Linggo.

Nagrenta siya ng isang set ng equipment: mula projector, white screen, mga ilaw, at mismong ipalalabas na movie. Sinabi niya sa may-ari ng equipment kung saan niya gagamitin ito. Nang malamang para ito sa mga kaluluwa, natuwa ang may-ari. Kaya sa halip na singilin siya ng 6,000 baht, ginawa lang itong 4,000. Isang malaking kabutihan kung ang gagawin mo ay para sa mga pumanaw na.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Thai sa mga pumanaw. May isa silang kaugalian na para suwertehin sa buhay, nagdo-donate sila ng 500 baht sa isang organization, para pambili ng kabaong sa mga homeless Thai na namatay. Kasama na sa 500 na iyon ang pagpapalibing.

Ang kasama ni Prawet na nanonood  ay mga trabahador ng sementeryo, technician ng movie equipment at mga invisible souls. Ang unang movie na ipinalabas ay Chinese movie dahil karamihan sa mga nakalibing sa sementeryong iyon ay mga Chinese. Walang makapagsabi kung hanggang kailan gagawin ni Prawet ang pagpapasaya sa mga kaluluwa. Siyempre, depende iyon sa budget niya.

vuukle comment

MOVIE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with