^

Punto Mo

Manang Rose (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAY problema ka Manang?’’ tanong muli ni Gino. Bahagyang nagulat si Manang sa paglapit ni Gino. Bagong ligo ito.

“A e wala naman.’’

“Masyadong malalim ang iniisip mo.’’

Napabuntunghininga si Manang Rose. Malalim.

Dapat ba niyang sabihin kay Gino ang sinabi ni Eliz? May maitutulong ba naman si Gino sakali at malaman nito. Ano ba ang maitutulong ni Gino sa problema ni Eliz. Pero may mga ideya si Gino na kakaiba at maaaring makatulong.

“Si Eliz kasi may sinabi sa akin—may hinihiling siya.’’

“Ano yun, Manang?’’

“Di ba nag-asawang muli ang mama niya. Ang pina­ngangamba ni Eliz, baka lapastanganin ng ka-live ng mama niya ang dalawang kapatid. Baka pag-interesan habang wala ang kanyang mama. Ang hiling sa akin ni Eliz, ampunin ko na rin daw ang dalawang kapatid. Malakas daw ang kutob niya lalo’t maraming kaso nang panggagahasa na ang sangkot ay ka-live-in. Nakita ko sa mukha ni Eliz ang pagwo-worry habang nagkukuwento kanina.’’

“Sinabi na rin sa akin ni Eliz yan. Natatakot nga raw siya. Ang mga maaaring mangyari sa dalawang kapatid ang inaalala.’’

“Nasabi na pala sa’yo.’’

“Oo.’’

“Ano naman ang reaksiyon mo?’’

“Wala akong nasabi. Sabi kasi ni Eliz, sasabihin sa iyo ang kahilingan niya.’’

Napatango na lang si Manang Rose.

“Ano ang pasya mo Manang?’’

“’Yan ang aking problema, Gino. Paano ko aampunin ang mga kapatid niya gayung hindi naman humihingi ng tulong ang mama ni Eliz. Puwede ko bang sabihin sa mama ni Eliz na delikado ang dalawang anak sa kanyang ka-live-in?’’

“Oo Manang. Sabihin mo sa mama ni Eliz. Yun naman ang kutob ni Eliz. Mabuting malaman niya.’’

Nagliwanag ang mukha ni Manang. May katwiran si Gino. Tama ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with