^

Punto Mo

Peligro sa Maharlika

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PUMASA nang maluwag sa kongreso at senado ang Maharlika Investment Fund (MIF) na ang layunin ay maisulong ang pangkabuhayang proyekto sa bansa.

May ilang kumontra sa Maharlika dahil baka malagay sa kumpromiso ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).

Gagamitin ang pondo sa infrastructure projects kabilang ang matitibay na tulay, irrigations, flood control program at iba pa. Layunin din ng gobyerno ang bumili ng mga makinaryang pang-agrikultura.

Ang peligro na maaring ikabahala ng mamamayan ay ang paglahok ng Maharlika sa foreign corporate bonds at foreign currency investments. Maaaring malugso ang pera ng bayan kung bumagsak ang industriya ng ibang bansa na babakasan ng Pinas.

Posibleng bumagsak ang presyo ng pananalapi at ekonomiya ng mga bansa na dadamay sa mga nag-aaway na bansa gaya nang nangyayari sa Russia at Ukraine. Ganundin  ng China at Taiwan.

Kailangang maging tuso ang mga mangangasiwa ng Ma­harlika upang makasiguro na makikinabang ang gobyerno at mga miyembro ng GSIS at SSS. Baka raw mapunta sa mga hayok ang pera ng dalawang pension fund.

Hihiramin ng gobyerno ang pera ng GSIS at SSS para ipuhunan sa foreign currencies at corporate bonds. Huwag sanang maisali sa pork barrels ng mga pulitiko. Mananagot dito si Finance Sec. Benjamin Diokno pag nagkataon.

vuukle comment

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with