^

Punto Mo

Mga nawalang gamit, aawasin ba sa final pay ng mister kong nag-resign?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign po ang mister ko noong nakaraang linggo pero hanggang ngayon, wala pa ang final pay niya. Nang tumawag po kami sa dati niyang kompanya para sa update, hindi pa raw nire-release ang final pay niya dahil kailangan pa raw bawasin ang halaga ng mga gamit sa trabaho na naiwala ng asawa ko. Tama po ba ito? —Marie

Dear Marie,

Ayon sa kaso ng Milan v. NLRC (G.R. No. 202961, 04 February 2015), may karapatan ang employer na bawasan ang sahod na natatanggap ng empleyado para sumagot sa kanyang mga “debt” o pagkakautang, base sa Article 1706 ng Civil Code.

Hindi lamang sa hiniram na pera pumapatungkol ang salitang “debt” dahil dagdag pa ng nasabing kaso, ang salitang “debt” sa Article 1706 ay maaring tumukoy sa anumang obligasyon ng empleyado sa kanyang employer.

Ibig sabihin, maaring papanagutin ang iyong mister para sa mga gamit sa trabaho na naiwala niya sa pamamagitan ng pagbawas ng nasabing halaga mula sa kanyang matatanggap na final pay.

Maari namang magreklamo ang mister mo sa National Labor Relations Commission kung sakaling hindi makatarungan ang gagawing pagpresyo ng employer sa mga gamit na naiwala niya. Bukod dito, maari ring ireklamo ang employer kung  sakaling higit na sa isang buwan mula sa petsa ng kanyang pagre-resign ay hindi pa rin naire-release ang kanyang final pay, alinsunod sa Labor Advisory 06-2020 na inisyu ng Department of Labor and Employment.

vuukle comment

RESIGNATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with