^

Punto Mo

Wheelchair (151)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INILAKAS ni Jong ang volume ng TV para matiyak ang pagkakakilanlan ng notorious drug lord na napatay ng PDEA kagabi. Bukod sa drug lord, apat pang kasama nito ang napatay din.

Nang banggitin ng news anchor ang pangalan ng napatay na drug suspect, kumpirmadong ang kaklase niyang si Bart nga iyon. Nasukol sina Bart sa isang bahay sa loob ng isang mayamang subdivision sa Alabang. Ayon sa report, nanlaban pa sina Bart sa agents ng PDEA pero hindi sila umubra. Nakumpiska rin sa bahay ang dalawang toneladang shabu na bilyong piso ang halaga. Ayon pa sa report, iyon ang pinakamalaking drug haul ng PDEA at naniniwala na sa pagkapatay ng mga drug suspect, mababawasan na ang problema sa droga.

Nasa ganung seryosong panonood si Jong nang pumasok si Tito Mon.

“Anong balita yan Jong?’’

“Si Bart, Tito napatay ng PDEA.’’

“’Yung walanghiya mong kaklase na nagtangka sa ating dalawa?’’

“Oo Tito. Nasukol sila sa shabu lab nila sa Alabang.’’

“Nagbayad din sila. Tingnan mo nga naman, hindi na nadungisan ang kamay mo, Jong.’’

“Oo nga Tito.’’

“Wala nang magbabanta sa’yo at mananakot. Magkakaroon na tayo ng katiwasayan.’’

“Hindi na ako mangangamba kapag aalis ng bahay. Salamat sa Diyos.”

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with