^

Punto Mo

Biyuda, inakit ang nagpapaslang sa kanyang mister para makakalap ng ebidensiya at maipakulong ito!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang hindi pinangalanang babae sa Colombia ang hinahangaan ngayon dahil napabagsak niya ang most wanted criminal sa kanilang lugar sa Cienaga de Oro sa Cordoba. Ang naturang babae ay hindi miyembro ng kapulisan kundi isang nabiyudang misis na gusto lamang ipaghiganti ang pinaslang na mister!

Si Ruben Dario Viloria Barrios ay negosyante sa Cienaga de Oro. Pero sa likod ng pagiging relihiyoso at respetadong negosyante, isa siyang notoryus na drug lord sa Colombia na may alyas na “Juancho”. Marami na siyang pinapatay upang walang makaalam ng mga ilegal niyang gawain. Isa na rito ay ang mister ng babaing itinago sa pangalang “Maria”.

Matapos ipagluksa ni Maria ang kanyang mister, sinimulan niyang pasukin ang mundo ni Juancho. Dahil maganda si Maria, mabilis niyang naakit ang drug lord at binigay sa kanya ang buong pagtitiwala nito.

Simula pa noong 2020 ay pinaghihinalaan na ng mga pulis na may mga ilegal na negosyo si Juancho ngunit wala silang ebidensiya para hulihin ito. Sa tulong ni Maria na nakapag-ipon ng sapat na mga ebidensya, nakapagsampa sila ng kaso laban dito.

Noong Pebrero 11, sa tulong ng tip na ibinigay ni Maria, inaresto ng Special Operations Group of the Colombia National Police si Juancho kasama pa ng ibang kriminal sa Monteira.

Sa kasalukuyan, maaaring kaharapin ni Juancho ang maraming taon na pagkakakulong.

vuukle comment

COLOMBIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with