^

Punto Mo

EDITORYAL - Laliman, imbestigasyon sa MT Princess Empress

Pang-masa
EDITORYAL - Laliman, imbestigasyon sa MT Princess Empress

PATULOY pa umano ang pagtagas ng langis sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28. Pinangangambahan na baka maapektuhan na rin ang Verde Island passage. Apektado na rin ang turismo sa Puerto Galera. Kahapon, isang barangay sa Calapan City ang nakitaan ng oil spill. Maraming residente naman sa bayan ng Pola ang nangangamba na baka magutom sila kapag tumagal pa ang pagtagas ng langis. Namahagi ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente. Ang Pola ang pinakamatinding nasapol ng oil spill makaraang lumubog ang tanker sa baybayin ng Naujan. Ang Naujan ay katabing bayan ng Pola. Maraming mangingisda sa Pola ang nawalan ng ikinabubuhay makaraang ibawal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag munang pumalaot. Marami rin ang nagkasakit na sa Pola makaraang makalanghap ng masangsang na amoy mula sa dagat. Nangangamba ang mga taga-Pola na pag­tumagal pa ang oil spill, magugutom na sila.

Nang kapanayamin si Pola Mayor Jennifer Cruz sa TV, sinabi nito na apektado na ang kabuhayan ng kanyang constituents. Bukod dito, pati ang kanilang turismo ay apektado na rin. At ang ikinadidismaya ni Cruz, wala umanong ipinadadalang tulong ang may-ari nang lumubog na tanker sa kanila. Ayon pa sa mayor, hindi biro ang tumapong langis at ang kanyang bayan ang napuruhan.

Mahigit 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng Mt Princess Empress. Patungong Iloilo ang tanker galing Bataan nang magkaaberya at lumubog. Guma­gawa ng paraan ang Philippine Coast Guard kung pa­ano makokontrol ang pagtapon ng langis mula sa tanker. Isang grupo ng Japanese experts ang nagtungo na sa pinaglubugan ng tanker para tumulong na makontrol ang oil spill.

Ang nakapanlulumo ay ang natuklasan ng Department of Justice na “scrap ship” at dalawang beses nang ginawang tanker ang Princess Empress. Ayon kay Justice secretary Jesus Crispin Remulla, mayroong mis­interpretations sa kondisyon ng barko. Sinabi umano ng may-ari sa sa DOJ at Philippine Coast Guard na bago ang tanker. Sabi ng DOJ, nangangalap pa sila ng mga impormasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso sa may-ari ng Empress Princess.

Kailangang laliman pa ang imbestigasyon sa pag­lubog ng tanker. Sa lawak ng pinsala na idinulot sa kabuhayan at kalikasan, nararapat magbayad ang may-ari ng tanker ng danyos. Nakasaad sa batas na mananagot ang may-ari ng vessel sa kapinsalaan dulot ng oil spill.

vuukle comment

OIL SPILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with