^

Punto Mo

SRP sa sibuyas, wala lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NOONG nakalipas na Martes (Peb. 7) nang magpalabas ang Department of Agriculture (DA) ng Administrative Order  na nagtatakda sa P125 na presyo sa kada kilo ng sibuyas.

Ang kautusan ay pinirmahan ni DA  Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Miyerkules (kahapon) magkakaroon ng epektibo ang kautusan na nagtatakda nga sa P125 per kilo na suggested retail price para sa mga medium at big size ng sibuyas at ito ay para sa mga imported at local produced.

Pinagbatayan  sa inilabas na kautusan  ang Republic Act 7851 o Price Act kung saan binibigyan ng kapangyarihan ang estado para magtakda ng presyo ng mga produkto. Ang  itinakdang SRP sa sibuyas ay tatagal sa loob ng 60 araw o hanggang sa bawiin ito ng pamahalaan.

Nilinaw din ng DA na tanging sa mga pamilihan lang sa Metro Manila ang sakop ng kautusan.

Napakagandang kautusang ito, dahil sa matagal na panahon din naman talaga napakataas ng presyo ng sibuyas.

Ngayong naglabas ng SRP, malaking tulong ito sa mga mamimili na umaasang tuluyan na  itong maipapatupad.

Pero ang nakakalungkot, hindi ganyan ang nangyayari sa SRP.

Kung nag-iikot lang ang mga kinauukulan  sa mga pamilihan sa NCR, makikita nila na hindi nasusunod ang mga kautusan sa SRP.

Aba’y nasa  P200 -P300 pa rin ang bentahan nito.

Iba-iba ang dahilan  ng mga nagtitinda ng sibuyas, habang inaamin naman ng DA na mahirap na agad na masunod ang inilabas nilang SRP.

Aba’y kung ganito ang kanilang tugon, balewala naman pala   kung kanya-kanya din naman pala ng presyo

Panahon na marahil na maglaan ng kaparyusahan sa sinumang mahuhuling hindi sumusunod sa SRP.

Kaya naman pala malalakas ang loob ng hindi sumunod  wala namang nakalaan na kaparusahan.

‘Wag na lang mag-SRP kung ganyan din lang.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with