^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming ­magreretiro na walang ipon

Pang-masa
EDITORYAL - Daming ­magreretiro na walang ipon

APRUBADO na ng House of Representatives ang House Bill No. 206 na nagbababa sa retirement age ng mga nagtatrabaho sa gobyerno. Mula sa dating 60-anyos, gagawin itong 56-anyos. Nakasaad sa HB 206 na ang mga manggagawa sa gobyerno at kuwalipikadong miyembro ng GSIS na may edad 56 at nakapagsilbi ng 15 taon ay awtomatikong makatatanggap na ng benepisyo.

Sa 270 mambabatas, 268 ang pumabor sa pagpapababa ng retirement age, isa ang kumontra at isa ang nag-abstain. Ang pagbaba ng retirement age ng mga nagtatrabaho sa gobyerno ay naging parehas na rin sa mga sundalo at pulis na ang mandatory retirement age ay 56. Nakatakda nang lagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas. Nagpahiwatig naman ang GSIS na nahaharap sila sa malaking problema sa pagpapababa ng retirement age. Hindi naman niliwanag ng GSIS ang dahilan.

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mala­king bagay para sa government workers ang pagbaba ng retirement age sapagkat maaari na nilang ma-enjoy ang retirement benefits. Makakasama na rin ng mga ito ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Mapapakinabangan na ang benepisyo bago pa sila sumapit sa senior years.

Hati naman ang opinyon ng government workers sa panukala. May gusto at may ayaw. Sa mga gusto, mabuti raw at hanggang maaga mapapakinabangan ang pinagtrabahuhan. Ang mga ayaw naman, masyado pa raw silang bata at malakas pa para magretiro.

Bukod dun, wala pa raw silang ipon. Mayroon pa silang sinusuportahan—kung hindi anak ay apo. Mayroon pang pinag-aaral. Kung makukuha na ang benepisyo sa edad 56, madali lang itong mauubos dahil wala nang ibang pagkakakitaan. Baka maging pasanin pa raw sila sa dakong huli. Baka maging palamunin lang sila.

Sa isang report noong 2020, sinasabi na 80 percent ng mga Pilipino na malapit nang magretiro ay walang ipon kaya hindi handa sa kanilang pagreretiro. Sabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno, maraming retirees ang kakarampot ang pension hindi sapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Mas maganda kung isaayos ang retirement system. Bago pinababa ang retirement age, dinagdagan ang pension. Saan hahantong ang karampot na pension mula sa GSIS at SSS? Hindi sana minadali ang HB 206 at pinag-aralan muna ito nang maayos.

 

vuukle comment

RETIREMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with