^

Punto Mo

Kinakabahan na ba sila kay Idol Raffy?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGIGING kontrabida na si Sen. Raffy Tulfo kahit sa mga kapwa niya senador lalo na kung ang isyu ay may kinalaman sa pagwasak ng kalikasan, smugglers, abusadong mga pulis at employers. May anghang naman talaga kaya bida ang dating sa masa. Naku nakakakaba nga!

Nadaplisan si Sen. Cynthia Villar sa pagkalkal ni Idol Raffy sa usapin ng land conversion program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). May fastbreak na bang nangyayari sa opisina ni DENR Sec. Antonia Loyzaga? Wala naman sana!

Kinakalkal na rin ni Idol ang pamunuan ng Bureau of Correction (BuCor) dahil sa isyu ng mga alak at beer na pinagtutubuan ng 1,000% ng mga bigtime inmates na may pahintulot ng BuCor officials. Matapang na senador ang makakaharap ni BuCor chief Gregorio Catapang Jr. ngayon. Wait natin!

Marami nang trimedia practitioners at artista ang naluklok sa puwesto dahil sikat at madaling matandaan ang mga pangalan pero karamihan ay hindi nagpasikat sa kongreso bagkus ay nasangkot naman sa katiwalian. Huwag sanang mapabilang kina Bigote, Boy Pogi at Sexy si Bad Boy Robin. He-he-he!

Umuusok ang balita na may mga kasamahan si Idol Raffy sa senado na naghuhukay ng “contra indultos” hinggil sa citizenship nito tulad ng naging indulto ni dating DSWD sec. Erwin Tulfo na na-bypass ng Commission on Appointment at hindi nire-appoint ni Pres. Bongbong Marcos. Kinakabahan ba sila kay Idol Raffy sa 2028 presidential election? Matagal pa naman ‘yun, pero hihingalin din sila kapag nagkataon, he-he-he!

Marami nang mga dehadista ang nag-aabang sa mga susunod na kabanata sa loob ng Senado. Malamang na unti-unti nang nakakabuo nang malawakang suporta si Idol Raffy lalo na sa OFWs, ‘wag lang maiindulto. Exciting di ba?

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with