^

Punto Mo

Wheelchair (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKARATING si Jong sa Dimasalang pero hindi niya nakita si Tito Mon. Gumawi pa siya sa may bulaklakan pero wala roon. Sunod na pinuntahan niya ay Dapitan. Madalas din dito si Tito Mon noon. Pero nakarating siya sa likod ng UST Hospital ay hindi niya nakita si Tito Mon.

Nang biglang mag-ring ang cell phone niya!

Sino kaya ang tumatawag?

Dinukot niya ang cell phone.

Si Pam ang tumatawag.

“Pam?’’

“Jong may nakalimutan akong itanong tungkol sa ni-research natin noong isang gabi. Busy ka ba?’’

“Ha? A e oo. Hina­hanap ko si Tito Mon. Hindi pa umuuwi. Narito ako sa Dapitan St. sa likod ng UST. Mamaya tatawagan kita Pam. Hahanapin ko lang si Tito.’’

“Sige Jong.’’

Ipinagpatuloy ni Jong ang paghahanap kay Tito Mon.

Hanggang sa mapagawi siya sa isang eskinita. Ito ang eskinita na pinagtaguan nila ni Tito Mon noon nang habulin sila nina Bart at kasama nito. Madilim sa eskinita. Walang nagdaraan dito dahil madilim.

Hindi maipaliwanag ni Jong kung bakit sunud-sunod ang kaba ng dibdib niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with