^

Punto Mo

Drug test sa tatakbo sa brgy., SK elections hirit!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang pagsasagawa ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre.

Napapanahon na talaga para ito maisagawa, aba’y ilang taon na ring nakaupo sa puwesto ang mga nanunungkulan dahil sa makailang ulit na itong naipagpaliban.

Ang huling barangay at SK elections ay naisagawa noon pang Mayo 2018.

Sa tagal nang panahong panunungkulan, ok lang kung talagang maraming nagawa at hindi naging pabaya ang kasalukuyang nakaupong opisyal.

Ang masaklap,  eh sa tagal na panahon nang panunungkulan walang nangyaring pagbabago, at baka nga ang ilan ay matagal na panahon na naisagawa ang kanilang mga ilegal na gawain.

Habang papalapit ang halalan, nauna nang hinamon ni Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Andre Dizon  Dizon ang mga kakandidato sa eleksyon na sumailalim sa drug test para maipakita na malinis sila sa ilegal na droga.

Sa Maynila pa rin, may minomonitor umano ang pulisya na 2 brgy. chairman at 20 kagawad dahil sa hinalang pagkadawit sa ilegal na droga.

Naku po, nakakatakot ang ganito na talagang dapat na mabantayan.

Matagal nang pinagtatalunan kung dapat bang maging requirement sa pagtakbo sa halalan ang pagsailalim sa drug test, na hindi naman napayagan.

Kaya nga ang mas maigi rito, magkusa na lang ang mga kakandidato na sumailalim sa drug test at kung talaga namang hindi sila gumagamit walang dapat na ikatakot.

Maging ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay aminadong may mga barangay officials ang  nadadawit ilegal na droga. Sa mga nakalipas din na taon, may ilang napaslang na  opisyal na sinasabing dawit sa illegal drugs.

Bagamat malaking porsiyento na ng barangay sa bansa ang nalinis na sa ilegal na droga, pero may natitira pang ilang barangay ang hindi pa naidedeklarang drug free.

Isang malaking katanungan yan, sa kabila na ang ang  barangay ang pinakamaliit na komunidad na madaling mabantayan at ang mga nakaupong opisyal ang inaasahang dapat na magbantay dyan.

 

vuukle comment

SK ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with