^

Punto Mo

Seniority, kailangan bang isaalang-alang kapag may tanggalan sa trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Halos sampung taon na po ako sa kompanyang pinapasukan ko. Nito lamang pong naka­raang linggo ay napabalitang magtatanggalan daw ng mga empleyado para makatipid ang kompanya. Isa raw po ako sa tatanggalin. Puwede po ba iyon kahit matagal na ako sa kompanya samantalang marami sa bago pa lang sa kompanya ay hindi naman matatanggal? —Tina

Dear Tina,

Kung ang planong tanggalan sa inyong kompanya ay para sa tinatawag na retrenchment, kailangang isaalang-alang ang seniority sa pagpili ng mga empleyadong tatanggalin. Ayon sa Philippine Tuberculosis Society, Inc. v. National Labor Union [356 Phil. 63 (1998)]  ang isa sa mga requirement para masabing naaayon sa batas ang gagawing retrenchment ay ang pagkakaroon ng patas at makatwirang criteria sa pagpili ng mga emple­yadong tatanggalin. Upang masabing patas at makatwiran ang gagawing pagpili, kailangang nakabase ito sa mga pamantayang katulad ng efficiency ng empleyado sa kanyang gawain at seniority o ang itinagal ng empleyado sa trabaho.

Ibig sabihin, sa pagitan ng dalawa o higit pang mga emple­yado na maaring maapektuhan ng retenchment ng kompanya, kailangang isaalang-alang ang “last in, first out” policy kung saan ang mga kaka-hire lang ang dapat siyang unang matanggal bago ang mga empleyadong mas matagal na sa kanila sa kompanya.

Maaring pagmulan ng reklamo ang pagkakapili sa iyo bilang isa sa mga matatanggal na empleyado lalo na kung ang mga baguhan sa inyo ay hindi apektado sa tanggalan. Kapag ganyan kasi ay maaring sabihin na hindi patas at makatwiran ang pamantayan sa isasagawang retrenchment ng kompanya kaya hindi ito naaayon sa batas.

vuukle comment

SENIORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with