^

Punto Mo

Wheelchair (99)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BINILISAN ni Tito Mon ang pagpapatakbo sa wheelchair. Hindi siya magpapaabot sa dalawang lalaki na hinihinala niyang mga holdaper. Itotodo na niya ang lakas para makalayo. Hindi siya lumilingon. Kailangang magpatuloy siya para hindi abutan ng mga lalaki. Kabisado naman niya ang daan kahit gumagabi na.

Samantala, dumating na sa bahay si Jong. Nagtaka siya nang makitang nakakandado pa ang bahay. Ibig sabihin, wala si Tito Mon! Saan kaya nagpunta e gabi na?

Binuksan ni Jong ang pinto. Pagpasok ay binuksan niya ang ilaw. Wala nga si Tito Mon! At nang hanapin niya ang wheelchair, wala rin ito.

Iisa ang naisip ni Jong—namalimos na naman si Tito Mon. Hindi rin nito sinunod ang sinabi niyang huwag nang mamalimos. Nanaig pa rin ang kagustuhang kumita. Napabuntunghininga si Jong. Kailangan talagang pagka-graduate niya sa susunod na buwan ay makakita agad siya ng trabaho para matigil na sa pamamalimos si Tito Mon. Ang pagkakaroon niya ng trabaho ang makapipigil sa pamamalimos ni Tito Mon.

Hindi mapakali si Jong. Ano kayang nangyari kay Tito Mon at mag-aalas otso na ay wala pa. Baka naaksidente? Baka nabundol ng sasakyan?

Mabilis ang pasya ni Jong—hahanapin niya si Tito Mon.

Una niyang tinungo ang España Blvd. Hinanap doon. Wala siyang nakita.

Sunud-sunod ang kaba ng dibdib niya.

Tinungo niya ang Laon-Laan.

Wala rin doon.

Hindi niya malaman kung saan hahanapin si Tito Mon.

Naglakad siya nang naglakad at baka sakaling makita.

Madalas ang kaba niya.  (Itutuloy)

 

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with