^

Punto Mo

EDITORYAL - Kitang-kita ang dahilan para itigil ang POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Kitang-kita ang dahilan para itigil ang POGOs

NOONG nakaraang buwan, sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na bigyan daw siya nang magandang dahilan para ipatigil niya ang Philippine offshore gaming operators (POGOs). Sabi ng presidente, ang problema lang naman daw ay ang illegal POGOs dahil ang mga ito ang sangkot sa mga nangyayaring krimen. Ang mga illegal POGOs ang hindi nagbaba­yad ng buwis sa pamahalaan. Lahat daw ng mga illegal ay kagagawan ng POGOs. Kaya raw pina-deport na ng Department of Justice (DOJ) ang mga illegal POGOs. Marami nang personnel ng illegal POGOs ang pinaalis noong nakaraang taon pa.

Pero ano naman kaya masasabi ng presidente kung ang legal na POGOs ang gumagawa na ngayon ng mga illegal sa bansa? Ano kaya ang say niya kung ang legal na POGO ay masangkot sa investment scam?

Gaya ng ginawa ng isang POGO sa Bamban, Tarlac na may 851 empleyado na nag-o-operate hindi para sa sugal kundi sa cryptocurrency scam o investment scam. Noong Huwebes, sinalakay ng Criminal Investi­gation and Detection Group (CIDG) ang Hong Shing Gaming Technology, Inc, sa Brgy. Anupol at naaresto ang nagnga­ngalang Chai Kiat Chiw, isang Malaysian at 351 dayu­han. Naaresto rin ang 500 Pilipinong nagtatrabaho sa kom­panya. Ayon kay CIDG Director Gen. Romeo Cara­mat, legal o lisensiyado ang POGO company subalit ang trabaho ay para sa investment scam. Nalantad ang illegal na tra­baho ng kompanya sa mga nakumpiskang computer. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 7899, RA 10175 at human trafficking ang mga suspect.

Isa lang ito sa mga kasong kinasasangkutan ng POGOs. Bukod dito, sangkot din sa kidnapping ang mga nag-o-operate ng POGOs. Pagkatapos kidnapin ang kani­lang target ay ipatutubos ito. Ilang linggo na ang naka­raraan, hindi lang Chinese ang kinikidnap kundi pati mga Pilipino. Pinatunayan ito ni Sen. Grace Poe.

Panahon pa ni dating President Duterte ay marami nang humihiling na ibawal na ang POGOs sapagkat­ marami nang krimen na nagaganap. Majority ng mga senador ay nagsabing panahon na para itigil ang POGOs. Hindi dapat maging balwarte ng sugalan ang bansa. Kung sa China nga raw ay mahigpit na ipinag­babawal ang sugal e bakit hindi rin ipagbawal sa Pilipinas­. Kung ang China ay sinusuka ang bisyo mas dapat sa Pilipinas.

Hahanap pa ba nang magandang dahilan para iba­wal ang POGOs? Nakikita na ang masamang epekto ng POGOs sa mga nagaganap na krimen. Hindi na dapat humanap pa sapagkat nakasakmal na. Hahayaan pa bang lumubha ang mga krimen bago magising sa katotohanan?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with