^

Punto Mo

Wheelchair (98)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI napanindigan ni Tito Mon na tumigil na sa pamamalimos. Nanghinayang siya sa malaking kikitain sa pamamalimos. Gaya kahapon na mahigit isang libong piso ang kinita niya sa pamamalimos. Kung araw-araw ay ganun kalaki ang kikitain niya, marami siyang magiging pera bago dumating ang graduation ni Jong. Mareregaluhan niya si Jong ng pinapangarap nitong mountain bike. Nun pa gusto ni Jong na magka-bike dahil gagamitin niya sa pagpasok sa school. Pero dahil maraming pinagkagastusan, hindi niya maibigay ang hiling ni Jong. Ngayong may naiipon na siya, maibibili na niya si Jong at sosorpresahin niya. Tiyak na matutuwa si Jong.

Nang dumating si Tito Mon sa kanto ng España at Forbes St. ay buhol-buhol na ang trapik. Halos hindi na gumagalaw. At pabor iyon kay Tito Mon sapagkat maaari siyang makagitna sa kalsada para humingi ng limos.

Bago gumalaw ang trapik, marami nang naglimos kay Tito Mon. Talagang marami na ang maawain ngayon. Marami na ang nagmamalasakit sa kapwa.

Alas singko ng hapon, umuwi na si Tito Mon. Kailangang maunahan niya si Jong sa pag-uwi.

Nagmamadali niyang pinatakbo ang wheelchair. Kumakagat na ang dilim.

Nang sumapit so Tito Mon sa madilim na bahagi ng kalsada, may dalawang lalaki na sumunod sa kanya.

Kinabahan si Tito Mon.

Holdaper kaya ang dalawa? Usung-uso ang holdapan ngayon.

Hindi nagpahalata si Tito Mon at pinagpa­tuloy ang pagpapatakbo sa wheelchair. Hindi siya lumilingon pero sa sulok ng kanyang mga mata ay nahuhulaan niyang mga pusakal ang dalawang nasa likuran.

Nag-isip ng paraan si Tito Mon kung paano matatakasan ang dalawa. Minsan na nilang ginawa ni Jong noon na takasan ang mga lalaking nakabuntot sa kanila. Gagawin niya uli ngayon. Bahala na!

Hindi siya magpapabiktima sa mga halang ang kaluluwa!

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with