^

Punto Mo

Wheelchair (96)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYANG-MASAYA si Tito Mon habang umuuwi sakay ng kanyang wheelchair dakong alas singko ng hapon. Marami siyang napalimusan. Halos mapuno ang kanyang supot sa dami ng barya at mga perang papel. Ngayon lang siya kumita ng ganito karami. Talagang marami ang nagbibigay ng limos kung araw ng suweldo at nataon pang unang Biyernes ng buwan. Naisip din ni Tito Mon na marami na ang mababait na tao ngayon.

Mabilis siyang nakauwi sa bahay. Sarado pa ang pinto. Hindi pa dumarating si Jong. Siguro ay busy na naman sa nalalapit na graduation. Marami pa raw itong inaasikaso bago maka-graduate. Pero sabi niya ay huwag itong magpapagabi dahil delikado sa mga holdaper.

Binuksan niya ang pinto at pumasok. Agad inalis ang nakabalot na benda sa hita at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay nagluto siya ng hapunan. Tiyak na gutom si Jong. Naggisa siya ng sardinas.

Nang matapos makapagluto, sinimulan na niyang bilangin ang napalimusan. Inilagay niya sa mesa. Halos matakpan ang mesa sa dami. Binilang niya. Habang nagbibilang, iniisip niya kung babalik uli bukas para mamalimos. Nanghihinayang siya kung titigil. Maraming naglilimos ngayon.

Nang mabilang niya ang pera umabot ng P1,000!

Lalo siyang nanghinayang kung hindi babalik bukas.

Itinago niya ang pera.

Nagtaka siya kung bakit wala pa si Jong. Mag-aalas siyete na ng gabi.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with