^

Punto Mo

Overpriced laptops, overpriced camera!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi pa man halos nakakabangon sa isyung overpriced laptops ang Department of Education (DepEd) na nagsanhi pa nga para irekomenda ng Senado ang pagsasampa ng kaso sa ilang matataas na opisyal ng ahensya, eto na naman at muling nabu­bulabog sila ng panibagong kontrobersiya.

Sa pagkakataong ito, ay ang ‘overpriced camera’ naman.

Pinasisilip na rin naman ito ng pamunuan ng DepEd.

Nag-ugat ito sa screenshots ni Renato Reyes buhat sa Facebook post ng isang professional photographer na nagtatanong kung bakit ang entry-level camera buhat sa DepEd ay nagkakahalaga ng P155,000, habang ang ganito ring model ay mabibili sa Lazada sa halagang P23,000.

Napakalayo ng presyo ng una sa huli.

Hindi lang yan, ipinakita pa ni Reyes ang approved budget para sa isang DSLR at isang camcoder ay umaaabot sa kalahating milyon.

Marami pang dokumento na nai-post si Reyes, kaya naman agad na iniutos ng tanggapan ang pagbusisi rito.

Parang maraming dapat sagutin ang DepEd.

Ito ang panibagong bulabog sa tanggapan, ilang araw pa lamang matapos na irekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang paghahain ng kaso sa ilang mataas na opisyal ng DepEd ay ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa P2.4 bilyong halaga ng laptops.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado lumalabas na ‘outdated at overpriced ‘ ang mga ito.

Nakakalungkot lang na isipin na sa kabila nang paghahangad na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa ay siya namang pagsabay sa mga ganitong mga uri ng kontrobersiya.

Marami sa kasalukuyan ang pangangailangan sa edukasyon sa bansa, kaya nga hangad ng marami na mapagkaloob sa tanggapan ang mas malaking budget taun-taon.

Pero kung laging may uusbong na ganitong mga kontrobersiya na may kinalaman sa kanilang mga proyekto at procurement, dapat na itong mabusisi nang husto baka naman  ang mga mag-aaral ang siyang madehado rito.

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with