^

Punto Mo

Gen. Domingo, absuwelto sa kaso nina Sgts. Rebosora at Catarata?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGULO ang paliwanag ni PNP chief Gen. Junaz Azurin sa kaso nina Sgt. Rodolfo Mayo Jr. at Sgt. Ed Dyson Banaag, na kapwa operatiba ng PNP Drug Enforcement Agency (PDEG) na nahulihan ng shabu. Ang maliwanag lang sa tinuran ni Azurin ay inabsuwelto niya si PDEG director Brig. Gen. Narciso Domingo sa aspetong command responsibility. Eh di wow! Mukhang malapit sa kusina si Domingo, ‘no mga kosa?

Matatandaan na si Mayo ay nahulihan ng 990 kilos ng shabu sa isang operation ng PDEG sa Maynila, samantalang si Banaag ay nasakote ng NCRPO at MPD operatives sa pag-iingat ng 25 gramo sa Maynila rin. Naging kontrobersiyal itong kaso ni Mayo dahil aabot halos sa P6.7 bilyon ang halaga ng shabu na nakumpiska sa kanya habang si Banaag naman ay barya-barya lang kung ikumpara sa una, di ba mga kosa? Hehehe! Mukhang may balak i-promote itong si Domingo kaya’t nagmamadali si Azurin na i-clear s’ya, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Ayon kay Azurin, walang dahilan para sibakin si Domingo sa PDEG dahil sa kaso ni Mayo dahil ang mga tauhan lang din niya ang nakahuli rito. Ang ipinapaliwanag ni Azurin ay ang pag­kahuli kay Mayo na totoo namang mga taga-PDEG ang nag-operate nito. Subalit sa pag-iingat ni Mayo ng 990 kilos ng shabu, wala pa ring kapabayaan si Domingo? Tanong lang po, Gen. Azurin Sir. Dipugaaaaa! Mukhang isang parte lang ng kaso ang ipinaliwanag ni Azurin, di ba mga kosa?

Sa parte naman ni Banaag, sinabi ni Azurin na may order na ito galing sa CIDG papunta sa PDEG subalit hindi pa siya nagrereport sa bagong unit niya. Kaya nang maaresto siya, kinokonsidera pang Absent Without Leave (AWOL) si Banaag kaya wala pang direct control si Domingo sa kanya. Hmmmm! May punto si Azurin dito ah, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tsk tsk tsk!

Sa sobrang excitement ni Azurin sa pag-clear kay Domingo ay akalimutan niya ang kaso nina M/Sgts. Jerrywin Rebosora at Lorenzo Catarata, na kasama sa mga operatiba ng National Capital Region, PDEG, na nag-operate kay Mayo. Sa kasagsagan ng operasyon, nakunan ng CCTV footage sina Rebosora at Catarata na naglo-load ng 42 kilos, na nagkakahalaga ng P285.6 milyon, sa puting Sedan ng huli. Nang komprontahin si Rebosora, ginabayan niya ang kasamahan sa parking lot sa harap ng PSMBFI Bldg., sa Boni Serrano Ave., sa San Juan City kung saan naroon ang kotse na may lamang 42 kilos na shabu. Bakit hindi kaagad inaresto si Rebosora, na kasama si Catarata ay nag-AWOL na rin? Absuweltuhin pa kaya ni Azurin si Domingo sa kaso nina Rebosora at Catarata? Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sana maganda naman ang dahilan ni Azurin, di ba mga kosa? Mismooooo! Ang gulo talaga ng PNP ano? 

Sinabi naman ng mga kosa ko na hindi ang courtesy resignation ng PNP officials ang kasagutan para hindi na makisawsaw ang kapulisan sa droga. Simple lang ang sagot at ‘yan ay ang pag-alis ng anti-drug operations sa PNP at ilipat na ito sa PDEA. Eh di wow! Mahirap kayang iwasan ang tukso ng milyones ng drug syndicates, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

JUNAZ AZURIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with