Wheelchair (95)
HABANG patungo si Tito Mon sa España na dati niyang pinagpapalimusan, sinasabi niya sa sarili na ito na ang huli sa gagawin niyang pamamalimos. Nakokonsensiya rin siya sapagkat kailangan pa niyang magkunwaring putol ang paa para may maawa at maglimos sa kanya. Susundin na niya si Jong sa payo nito na tigilan na ang pamamalimos. Nangako si Jong na pagka-graduate ng Associate in Nursing sa susunod na buwan ay maghahanap agad ito ng trabaho para siya na ang gagastos sa pangangailangan. At kapag nagkaroon ng one year experience sa ospital ay saka mag-aaplay sa abroad. Sa pagkaalam ni Tito Mon, nagha-hire ng nurses ang Britain. Kailangan ang healthcare workers dun. Malaki ang sahod. Napangiti si Tito Mon sa mga naimadyin para kay Jong. Sana matupad ang lahat nang naiisip niya para rito.
Nang dumating si Tito Mon sa España kanto ng Forbes ay matrapik na agad. Naalala niya na Biyernes at araw ng suweldo. Kapag araw ng suweldo ay matrapik. Maraming naglilimos kapag suweldo.
Tama ang hula ni Tito Mon sapagkat maraming naglimos sa kanya. Napuno ang lata na lagayan niya ng pera—may papel pa. May naglimos ng P100. Talagang aprubado na maraming naglilimos kapag suweldo at natapat ng Biyernes. Marami siyang maiuuwing pera.
(Itutuloy)
- Latest