^

Punto Mo

Pagbusisi sa senior PNP officials, raratsada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

BUO na ang 5-man advisory group na rerepaso sa mga isinumiteng courtesy resignation ng mga top Philippine National Police (PNP) officers.

Maliban umano sa isang miyembro ng grupo na ayaw magpabanggit ng pangalan, kabilang sa advisory group sina  PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr., Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating National Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro Jr. at retired Major General Isagani Nerez. 

Pamumunuan ni  Azurin ang 5-member panel na bagama’t nagsumite rin ng kanyang courtesy resignation eh nakasama sa grupo makaraang hindi umano tinanggap ni Pangulong Bongbong Marcos ang resignation nito.

Inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan ang gagawing pagrerebyu ng advisory group, para alamin kung sino ang mga nasasangkot sa ilegal na droga at iba pang katiwalian.

Noong nakalipas na Martes ang itinakdang deadline sa pagsusumite ng resignation ng lahat ng mga heneral at full colonel sa PNP.

Aksyon ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) para matukoy at malinis ang command sa mga opisyal  na nadadawit sa operasyon ng illegal drugs.

Sa kabuuang bilang na 955 general at full colonels, sinasabing isa lang ang hindi tumugon sa hiling na resignation.

Bagamat hindi umano sapilitan ang paghahain ng courtesy resignation at wala ring nakatakdang parusa sa hindi makakatugon, pero nilinaw ni Sec. Benhur Abalos na aalamin din nila ang dahilan nang   hindi nito pagtugon.

Sa isang miyembro naman ng advisory group na ayaw magpakilala, marahil dapat ding maipaliwag ng DILG kung ano ang dahilan nito.

Mahirap din naman kasi na hindi mo alam kung sino ang nagrerepaso sa kanilang mga inihaing resignation.

Bakit ayaw magpatukoy o magpakilala?

Baka maging daan pa yan para magduda sa kredibilidad ng grupo.

Kahit pa sabihin  na wala silang tatanggaping sahod o allowance ukol dito, dahil itinuturing silang mga volunteers, marapat lang marahil na kilala ng mga bubusisiin kung sinu-sino ang bubusisi sa kanila.

Dapat dyan pa lang nagsisimula na ang transparency.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with