^

Punto Mo

EDITORYAL - Ba’t hindi madama ang pag-angat ng ekonomiya?

Pang-masa
EDITORYAL - Ba�t hindi madama ang pag-angat ng ekonomiya?

UMANGAT daw ng 7.6 percent ang gross domestic product (GDP) noong 2022. Ito raw ang itinuturing na pinakamabilis na pag-angat sa loob ng 40 taon. Ang huling pinakamataas na naitalang GDP ay noong 1976 na umabot sa 8.8 percent. Sabi ng Malacañang, ang naitalang paglago ng ekonomiya noong nakaraang taon ay dahil sa mahusay na pamamahala ng Marcos administration. Nangyari ang paglago ng ekonomiya habang nakasakmal naman ang inflation  o ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo na umabot sa 8.1 percent noong Disyembre 2022—pinakamataas sa loob ng 14 na taon.

Sino ba ang hindi matutuwa na sa kabila nang sinagasaan ng pandemya ang bansa at halos hilahod na ay mabilis pala ang paglago ng ekonomiya. Lahat ay nangangarap na makabangon ang bansa at umunlad na ang ekonomiya. Maraming nawalan ng trabaho nang manalasa ang COVID-19 noong 2020 at ngayon pa lamang unti-unting nagbabalikan ang mga nagsipagsarang negosyo. Marami pa sa kasalukuyan ang walang trabaho.

Sa kabila naman nang sinasabing pagbilis ng ­paglago ng ekonomiya noong nakaraang taon, walang makitang pagbabago sa buhay ng mamamayan. Marami pa rin ang umaasa sa ayuda ng gobyerno. Maraming nagdedepende sa libreng sakay sa bus na kamakailan ay ipinatigil na dahil sa kakapusan ng pondo. Marami pa rin ang namamalimos sa lansangan at nadagdagan ang namumulot ng basura.

Sa surbey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 10-14, 2022, marami ang nagsabi na walang nangyaring pagbabago sa kalagayan ng kanilang buhay sa loob ng 12 buwan. Marami rin ang nagsabi na sila ay nakaranas ng gutom sa huling tatlong buwan ng 2022.

Umangat nga kaya ang ekonomiya noong 2022? Mahirap itong maipaliwanag. Masasabi lang na umangat ang ekonomiya kung nararamdaman na ito nang nakararaming Pilipino. Masasabi lang na umuunlad kung wala nang umaasa sa mga ayuda ng pamahalaan. Kung patuloy ang nararanasang pagdarahop, mahirap paniwalaan na umangat ang ekonomiya.

vuukle comment

ECONOMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with