^

Punto Mo

Charter Change, susi sa pag-unlad ng ­Pinas?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGLILIKHA nang maraming trabaho para sa mga Pinoy kapag naamyendahan ang Constitution na magbibigay ng 100 percent “foreign ownerhsip” sa mga negosyo sa bansa. Sa totoo lang, hindi na kailangan pang mangibang bansa ang mga Pinoy para magtrabaho at buhayin ang kani-kanilang pamilya at pag-aralin hanggang makapagtapos sa kolehiyo ang kanilang mga anak sa susunod na henerasyon. At sa pag-unlad sa kabuhayan ang lahat ng Pinoy ay magkakaroon ng trabaho, aasenso ang buhay ng bawat isa.

Kaya sa tingin ng mga kosa ko, napapanahon na ang pagsusulong ng Charter Change subalit sa economic provision lang. E di wow! Sa kasalukuyang Constitution kasi, ang foreign ownership sa negosyo sa Pinas ay 40 percent lang at 60 percent naman ang sa mga Pinoy. Ang naturang outdated scenario ay walang alinlangan na nagpabagal o nagpatigil sa daloy ng foreign capital sa ekonomiya ng bansa. Dipugaaaaa! Hehehe! Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Naramdaman ng mga Pinoy ang sobrang hirap noong kasagsagan ng pandemya, kaya’t ang mga lider ng negosyo at eksperto na mismo ang nanawagan sa pag-amyenda ng 1987 Constitution na naglilimita sa dayuhang pagmamay-ari ng lupa at negosyo sa bansa. Subalit kung ang mga dayuhang mamumuhunan ay payagang magkaroon ng 100 percent na pagmamay-ari ng negosyo sa bansa, siguradong makikita natin ang malawakang pagpasok ng dayuhang kapital sa Pinas. Sa totoo lang, ang Singapore ang unang namuhunan sa Pinas at naglagak ng investments na nasa P80.2 bilyon. Kapag nabago na ang Constitution, tiyak magaganyak din ang ibang bansa na mamuhunan sa Pinas, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kapag nabago na ang Constitution, ang Maharlika Investment Fund (MIF) ang inaasahan ng economic minds na magbibigay ng puwersa sa 2028 vision ni President Ferdinand Marcos Jr. na maiangat ang kalidad ng buhay ng mga middle-income level na mga Pinoy. Kaya nga ibinida ni BBM ang MIF sa economic forum sa Davos, Switzerland sa mga tycoons, government at business leaders mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kinukumbinsi ni BBM ang mga kalahok na makikinabang sila at walang mawawala sa kanila kung pipiliin nilang makibahagi sa pagsusumikap ng Pinas na ma-realize ang ating potential sustained at dynamic growth. Kung sabagay, si BBM lamang ang nag-iisang ASEAN leader at isa sa tanging dalawang lider mula sa Asya, na imbitado sa World Economic Forum (WEF). Eh di wow! Siyempre, buo ang paniniwala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maisusulong ang Charter Change sa Kamara. Ayosssss!

Iminungkahi naman ni Rep. Joey Salceda, ng Ways ang Means Committee na ang pondo sa MIF ay manggaling sa dibidendo ng government-owned and controlled corporations (GOCCs). Abangan!

vuukle comment

FOREIGN OWNERHSIP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with