^

Punto Mo

Wheelchair (92)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MGA mukhang hindi gagawa ng mabuti ang tatlo, Jong,” sabi ni Pam. “’Yung isa parang nakita ko na. Hindi ko lang matandaan kung saan,’’ dagdag pa nito at kun­wari’y patuloy lang sa pagkain.

“Hindi kaya mga kasamahan ni Bart yan?’’

“Hindi ko matiyak.’’

“Basta huwag kang magpapahalata na pinakikiram­daman natin sila. Magpatuloy ka lang sa pagkain.’’

“Paano tayo aalis dito?’’

“Basta pakiramdaman lang natin.’’

“Mabuti na lang at araw ngayon. At least nakikita agad natin ang kalaban. Kung mapapalaban tayo, masasapol agad natin. Hindi na tayo mahihirapan.’’

“Lagi mong hawakan ang ballpen con arnis mo.’’

“Oo Jong. Mabilis pa sa alas kuwarto ko itong bubunutin.’’

Maya-maya pa, nakita ni Jong na tumayo ang tatlong lalaki. Hindi nakatingin sa kanila ang mga ito. Isa ang lumapit sa nagkakahera at nagbayad. Pagkatapos magbayad ay umalis na ang tatlo.

Nakahinga nang maluwag si Jong.

“Umalis na sila, Pam!’’

“Salamat. Akala ko mapapalaban tayo!’’

“Sino kaya ang mga yun at parang pinag-aaralan ang kilos natin?’’

“Baka nga mga tauhan ni Bart. Naalala ko na, yung isang lalaki ay kausap ni Jong nung hindi pa ito tumitigil sa pag-aaral.’’

Nag-isip si Jong.

“Talagang ayaw akong tigilan ng Bart na yun. Gusto talaga akong subukan.’’

“Kasama mo ako sa laban, Jong.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with