^

Punto Mo

Food deliveryman, inantala ang basketball game matapos hanapin sa court ang kanyang customer!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG collegiate basketball game sa Pittsburgh, Pennsylvania­, U.S.A. ang naantala ang laro matapos na may food deli­very­man na naglakad sa gitna ng court para hanapin ang paghahatiran niya ng pagkain!

Naganap ang insidente sa UPMC Cooper Fieldhouse habang nasa second half ng basketball game sa pagitan ng Duquesne University at Loyola University Chicago.

Kasalukuyang nasa Loyola player na si Philip Alston ang bola nang biglang maglakad sa gitna ng court ang deliveryman ng food delivery service na Uber Eats. Muntik pang magkabungguan ang deliveryman at ang 6 foot 6 na player na naging dahilan para makita ito ng referee at pahintuin ang laro.

Agad namang nag-resume ang laro matapos maibigay ng deliveryman ang pagkain sa kanyang customer na nakaupo sa courtside seat. Sa pagtatapos ng basketball game, nanalo ang team ng Duquesne University sa score na 72-58.

Nag-viral ang video ng deliveryman sa Twitter at maraming­ netizens ang nagtaka kung paano ito nakapasok sa arena nang walang ticket para sa basketball game.

Dahil dito, nag-imbestiga ang host ng basketball game na Duquesne University at natuklasan nila na isa pala itong prank na gagamitin bilang content sa YouTube.

Hindi totoong deliveryman ng Uber Eats ang lalaki at nakita ng mga security guards na may suot itong lapel mic at may kasa­mang cameraman.

Sa kasalukuyan, wala pang statement ang Dusquesne kung kakasuhan nila ang YouTuber pero sinigurado nila na mas magiging mahigpit na ang seguridad sa mga basketball game ng kanilang unibersidad.

 

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with