^

Punto Mo

DOLE, handa na sa pagsasara ng POGO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGSARA man ang Philippine Offshore Gaming Opera­tors (POGOs) dito sa Pinas, walang dapat ipangamba ang Pinoy workers. ‘Yan ang sinigurado ng Department of Labor and Em­ployment (DOLE) na di mawawalan ng benepisyo at tulong kung sakaling mawalan ng trabaho ang libu-libong workers sa POGO. Paniniguro ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez na mabibigyan ng naaayon na benepisyo ang displaced POGO workers maging lokal o banyaga man ang mga ito. Eh di wow! 

Kung tuluyan na ngang magsara ang POGOs, ayon kay Benavidez, ay nakalatag na ang mga programa ng DOLE na magbibigay ng tulong sa manggaga­wang mawawalan ng trabaho. Una sinisigurado ni Benevaidez na makakatanggap ang POGO displaced workers ng ayon sa batas na seperation pay na nagkakahalaga ng isang buwan na sahod sa bawat taon na serbisyo. Ayosssss! Hehehe! Makakakuha din ang mga ito ng tinatawag na unemployment insurance mula sa Social Security System (SSS) sa loob ng dalawang buwan.

Sinabi ni Benavidez na mayroon ding “re-skilling at -re-tooling” na pagsasanay ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makapagbibigay daan para sila ay makahanap ng bagong trabaho. Di rin sila mahihirapan maghanap ng trabaho dahil ang DOLE mismo ang gagawa nito o magre-refer sa kanila sa mga kompanya sa pamamagitan ng  employment facilitation program ng departamento.

Bukod dito, aniya, meron din emergency employment mula 10 araw hanggang tatlong buwan ang naghihintay sa mga displaced workers. Para sa ayaw ng magtrabaho, sabi ni Benavidez ay may option ang displaced POGO workers na mag-apply sa livelihood program kung saan sila ay nagbibigay ng seed money na hindi baba sa P30,000 sa mga qualified applicant. Dipugaaaaa! Mabuhay ang DOLE!

Bagamat nakapagbibgay ng bilyun-bilyong kita ang POGO sa bansa, marami ang hindi sang-ayon sa pagpapatuloy ng operation nito, dahil naging ugat ito ng kung anu-anong problema lalo na sa aspeto ng kriminalidad Ayon kay President Bongbong Marcos maliit na bagay ang pera kumpara sa mga problemang dala nito sa Pinas kaya mabuti pang ipasara na lamang ang mga ito Maging ang mga malaking business groups ay sang-ayon sa pagbabawal sa POGOs. Ang POGOs ayon sa DOLE ay isa sa mga “hardest hit” na negosyo ng pandemya kung kaya hindi na ito maituturing na major employment generator.

Karamihan pa ng manggagawa rito ay banyaga at maliit na porsyento lamang ang mga 25,000 Pinoy na manggagawa rito. Wala naman daw magiging malaking epekto sa employment ng bansa ang pagbabawal ng POGOs ang kailangan lamang daw sabi ng DOLE ay siguraduhin na handa ang ating kababayan sa pagkawala ng trabaho at maging handa sila sa paghahanap ng bagong trabaho. Eh di wow!

Sa ngayon, sabi ni Benavidez, walang pang nakikitang pagtaas ng bilang ng displaced workers mula sa kompanya ng POGO. Ang malaking tanong lang, matuloy na kaya ang pagsasara ng POGOs? Ano sa tingin mo Madam Vina Co, ang tagahatid ng payola ng POGO? Abangan

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with