^

Punto Mo

10 pagkaing iiwasan o paminsan-minsan lang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Processed meat: Ayon sa World Health Organization, ang processed meat (ham, hotdog, bacon, etc) ay itinuturing nilang carcinogen. Ang carcinogen ay substance na nagdudulot ng cancer. Halimbawa ng bagay na may carcinogen ay asbestos, usok mula sa sigarilyo, pesticide. Base sa ginawang pagre-review ng mga 22 eksperto mula sa 10 bansa, sa 800 scientific studies tungkol sa processed meats, natuklasan nila ang mga sumusunod:

a) Kung kakain ang isang tao ng 50 grams na processed meat araw-araw, mga 18 percent ang panganib na magkaroon siya ng colorectal cancer.

b) Idagdag pa rito ang mataas na volume ng asin na ginamit, na magiging sanhi naman ng alta presyon.

2. Diet soda: Ang produkto ay may artificial na pampatamis na kung tawagin ay aspartame. Iniuugnay ang aspartame sa pagkakaroon ng brain tumor at blood-related cancer kagaya ng leukaemia at lymphomas.

3. Produktong gumamit ng white sugar at white flour: Ang asukal at harina na pinaputi ay sumailalim sa processing at refining kaya kapag kinain ay mabilis itong nagko-convert sa blood sugar na pagmumulan ng diabetes.

4. Pagkaing may MSG (Vetsin): Iniuugnay sa health problems kagaya ng headaches, flushing, sweating, facial pressure or tightness, numbness, tingling or burning, rapid, heart palpitations, chest pain, nausea.

5. Lutong ulam na binili sa tabi-tabi lamang: Mas mainam na ikaw ang magluto ng pagkain para alam mo kung paano ito inihanda.

6. Inihaw na karne na may sunog: Kapag ang karne ay direktang niluto sa apoy at nasunog, may chemical reaction na namumuo sa karne na nagiging sanhi ng cancer. Kaya tanggalin ang parteng nasunog.

7. Energy drinks: May mataas na level ito ng caffeine na delikadong maging dahilan ng irregular heartbeat.

8. Softdrinks. Pag-inom ng higit sa dalawang alcoholic drinks kada araw ay magiging dahilan ng sakit pagtanda kagaya ng heart disease, liver damage, pancreatitis, increased risk of mouth, esophageal, throat, liver at breast cancer.

9. Pritong pagkain: Mayaman sa unhealthy fats ang mga fried foods mula sa fast foods. Ito ang naiipon sa mga ugat na bumabara sa daloy ng dugo patungo sa puso. Ang epekto ay sakit sa puso. Mainam na ihurno ang pagkain sa halip na iprito.

10. Instant noodles na mataas sa asin, dried fish at bagoong/alamang. Ang maalat na pagkain ay contributing factor sa alta presyon, stroke at sakit sa puso.

 

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with