^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming dahilan para i-ban ang ­POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming dahilan para i-ban ang ­POGOs

NAGHAHANAP pa raw ng magandang dahilan si President Ferdinand Marcos Jr. para ipatigil ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Ang problema raw ayon sa presidente ay ang illegal POGOs dahil hindi nagbabayad ng buwis ang mga ito. Ang mga patayan daw naman na nagaganap ay kagagawan ng illegal POGOs. Kaya raw pinadeport na ang mga nag-ooperate ng illegal POGOs. Marami na raw personnel ng illegal POGOs ang ipina-deport.

Kailangan pa bang maghanap o maghintay nang magandang dahilan para tuluyang ipagbawal ang POGOs? Hindi pa ba sapat ang mga nangyayaring krimen na kagagawan ng mga nag-ooperate ng POGOs?

Panahon pa ni dating President Duterte ay marami nang humihiling na ibawal na ang POGOs sapagkat marami nang krimen na nagaganap sangkot ang mga personnel nito. Kabi-kabila ang kidnapan at mayroong pinapatay. Majority ng mga senador ay nagsabing panahon na para itigil ang POGOs. Hindi dapat maging balwarte ng sugalan ang bansa. Kung sa China nga raw ay mahigpit na ipinagbabawal ang sugal e bakit hindi rin ipagbawal sa Pilipinas.

Pangunahing dahilan kung bakit dapat ipatigil ang POGOs ay ang mga nagaganap na kidnapping na hindi lamang mga Chinese ang kinikidnap kundi pati Pilipino na rin. Gaya ng ikinuwento ni Sen. Grace Poe na pagkidnap sa hipag ng kanyang kaibigan at saka ipinatubos sa pamilya nito.

Ikalawang dahilan, hindi na nakakatulong ang POGOs sa pagpapaunlad ng ekonomiya sapagkat marami ang hindi nagbabayad ng buwis. Kung may nagbabayad man, kaunti na lang at hindi ito sapat. Nagpakitang gilas lang ang POGOs noong 2018 hanggang 2019 nang tumabo ng bilyong piso ang revenue collection. Pero noong 2021 hanggang sa kasalukuyan, katiting na ang nakolekta—P3 bilyon na lang umano. Masyadong maliit at hindi na makatutulong.

Ikatlong dahilan, ginagawang gatasan ng mga korap sa Bureau of Immigration (BI) ang mga pumapasok na Chinese sa bansa para magtrabaho sa POGOs. Dito nauso ang “pastillas scam” kung saan binibilot ang perang panglagay sa korap BI officials.

Ibawal na ang POGOs para hindi na lumala ang krimen sa bansa. Huwag hayaang maging balwarte ng sugalan at krimen ang Pilipinas dahil dito. Bago maging huli ang lahat, suspendihin na ang POGOs.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with