^

Punto Mo

Ginawang kenkoy ni Senator Tulfo ang PCG at BoC

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINANGALANAN ni Sen. Raffy Tulfo ang diumano’y oil smugglers na nakakapandaya sa buwis dahil sa pakikipagkutsabahan ng mga ito sa mga opisyales ng Bureau of Customs (BoC).

Binokya ni Senator Raffy ang kinatawan ng BoC sa ginawang imbestigasyon sa senado nang sabihin nito na hindi nila kilala ang mga nabanggit na smugglers. Bulag, pipi at bingi lang daw at nakokontrol ng tatlong tao na nakalarawan sa pera (P1,000 bills) ang mga opisyales ng BoC. Naku Senator Raffy, bakit naman ganun? Ha-ha-ha!

Ayon kay Senator Raffy, sa laot na boarder ng karagatan ng Pilipinas diumano “nagpapaihi” ng langis ang malalaking tanker ships at inililipat sa mga barge na hinihila naman ng batel para i-deliver sa local customers ng oil smugglers. Pinaghahatian diumano ang patong na P2.70 bawat litro ng langis ng mga taga-BoC at Philippine Coast Guard (PCG). Aba, mabigat na rebelasyon ‘yan di ba?

Matagal nang umiikot ang ganitong balita. Hindi naman masusuyod ng BoC law enforcers ang hangganan ng laot na sakop ng Pilipinas dahil wala namang high-tech na boarder patrol ang BoC. Mandato talaga ng PCG na tumulong laban sa smuggling sa karagatan.

Maraming nagtaka noong magtalaga ang PCG ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa ilalim ng termino ni President Digong dahil sa karagatan naman talaga dumadaan ang oil smuggling. Umaasa kaya silang may dadaong na barko sa airport? Ha-ha-ha!

Napautot sa katatawa ang katabi kong nanonood sa rebelasyon ni Senator Raffy nang biglang sumagi sa isip nito ang naging assignment ng PCG personnel sa NAIA. Kamuntik na rin nga akong malaglag sa kinauupuan, bwa-ha-ha-ha!

In fairness, nakaaliw naman sa manonood si Senator Raffy dahil malapit sa katotohanan ang mga rebelasyon niya. Ang hindi lang talaga totoo ay ang lalanding na barko sa airport at hindi kilala ng BoC officials ang smugglers ng langis, ha-ha-ha!

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with