^

Punto Mo

Wheelchair (88)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI na binigyan ng pagkakataon nina Jong at Pam ang mga holdaper na makagawa ng kasamaan. Sa unang bugso pa lamang ay pinatikim na nila ni Pam ang mga ito ng matitinding palo na pawang sa mukha ang tama. Nawala na ang plano ng dalawang holdaper sa hindi nila inaasahang dumapo sa kanilang mukha. Halos hindi sila makakita dahil sa umagos na dugo sa kanilang mga mata. Wala na silang magawa pa.

Binigyan pa sila ng pinale nina Jong at Pam. Huling hataw uli sa mukha na nagpabagsak sa kanila sa madilim na kalsada. Hindi na makakilos dahil sa tindi ng mga tama.

“Anong gagawin natin sa mga yan, Jong?’’

Pero hindi pa nakakasagot si Jong ay may mga dumating na barangay tanod. Sinabi nila na hinoldap sila ng dalawang lalaki at lumaban sila.

Nang tingnan ng mga barangay tanod ang dalawa, nagulat ang mga ito dahil ang mga ito ang nireport kani-kanina lang dahil nangholdap na pala.

“Nangholdap na ang mga ito kanina lang. Mabuti at nahuli n’yo. Marunong pala kayo sa self defense.’’

“Opo Manong. Kayo na po ang bahala sa dalawang yan.’’

“Oo sige. Kami na ang bahala sa mga ito.’’

Nagmamadaling umalis na sina Jong at Pam.

Inihatid ni Jong si Pam sa bahay nito.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with