^

Punto Mo

OPM, tunog-Kano nga ba?  

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

HINDI ako pamilyar sa sitwasyon ng industriya ng musika sa Pilipinas pero marami na rin naman tayong  mga sarili nating magagandang awiting de-kalidad sa ating bansa maging iyong tinatawag na Original Pilipino Music (OPM). Marami na rin namang mga magagaling na Pinoy singer ang naiimbitahang kumanta sa iba’t ibang panig ng mundo bagaman karamihan ng kanilang audience ay kapwa nila Pilipino.

Hindi nga ba’t ang “Anak” ni Freddie Aguilar ay kinilala sa ibang bansa at isinalin pa nga sa iba’t ibang wika? Ilan na rin namang mga kantang Pinoy ang nanalo sa mga pandaigdigang kompetisyon, kaso, tila hindi iyon sapat at matagal na iyon. Meron pa ba sa kasalukuyang henerasyon ng mga awiting Pinoy na  maaaring ipanlaban o ipantay  sa mga awiting dayuhan o kinilala at tinatangkilik sa buong mundo?  Hindi pa nga ba umaabot sa tinatawag na global stage ang OPM?

Umusbong ang mga tanong na ito nang mabasa ko kamakailan sa website ng Department of Science and Technology ang isang paliwanag ni Professor Felipe De Leon Jr., kasapi ng national committee on music ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), kung bakit pang-number 42 lang ang ranggo ng Philippine music industry sa International Federation of Phonographic Industry na mas mababa kaysa sa Thailand, Indonesia, at Malaysia.

“Ang pinakamalaking problema ng Pilipinas ay commodification that, we’re under a colonial mentality, kaya number 42 lang tayo sa industry, eh papano nga, our colonial mentality is so attuned to the U.S., kung ano ang sikat sa U.S., yun ang pino-promote natin,” sabi ni De Leon.

Idinagdag ni De Leon,  “Masyadong American-made ang klase ng music natin, yung OPM natin is too Americanized, there’s not enough variety, there’s no creativity, there’s no originality, unlike Indonesia, Brazil, and Sweden, kaya ang dami-dami nilang klaseng music that they can promote, that’s why they sell, even Korea.”

Sa isang pag-aaral na itinaguyod ng DOST-National Research Council of the Philippines na iprinisinta sa isang symposium sa Philippine International Convention Center noong Oktubre 20, 2022, lumalabas na karamihan ng mga tao sa industriya ay nagmula sa Maynila kaya Manila-centric ito o U.S.-made type ang nalilikhang musika kaya hindi gaanong interesado rito ang buong mundo dahil  pare-pareho.

Sa isang panayam sa CNN Philippines noong 2021, sinabi ni Dr. Ma. Alexandra Chua ng NRCP na kulang ang suporta sa lokal na industriya ng musika kaya hindi pa ito umaabot sa global stage. Napuna rin ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan.

“Sa sandaling kinilala natin na magagawa natin ito dahil marami tayong talent sa Pilipinas, nakakatiyak ako na makukubkob natin ang global music scene, sabi ni Chua sa magkahalong Tagalog at Ingles.

Ipinaliwanag pa ni Chua, “Napakarami nang pandaigdigang pag-aaral sa popular music. Ang nangyayari ngayong Korean wave ay resulta ng pananaliksik na isinagawa may 20 taon na ang nakararaan. Bunga ito ng maingat na pag-aaral at ito ang nais nating matamo sa pag-aaral na ito—ang mabatid kung ano ang mga bagay na kailangang matukoy na mga oportunidad na ito o mga hamon  at kahinaan sa ating music ecosystem para maibigay natin ang tulong na kailangan nito.”

Nabatid na ang katayuan ng Philippine music industry ay kabilang sa mga pananaliksik na iprinisinta sa nabanggit na simposyum. Sabagay, kung ang mga dayuhang awitin tulad ng mga nagmumula sa U.S. ay tinatangkilik sa Pilipinas, bakit hindi ito mangyari sa mga awiting Pinoy sa ibang bansa? At hindi kapwa Pinoy lang sa ibang bansa ang tatangkilik kundi gugustuhin ding pakinggan ng ibang lahi.

• • • • • •

Email: [email protected]

 

vuukle comment

OPM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with