^

Punto Mo

Antigong maong pants na nakuha sa lumubog na barko, nagkakahalaga ng P6 milyon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pares ng pantalon na ginawa ni Levi Strauss noong 1850s ang naisubasta sa halagang $114,000 (katumbas ng P6 milyon!)

Ang pantalon ay isa sa 270 treasures na na-recover mula sa lumubog na barko sa ilalim ng Atlantic Ocean.

Ang nasabing pantalon ay kulay puti na miner’s heavy-duty work pants na may five-button fly. Nabalot na ng mantsa ang pantalon nang makuha ito sa isang baul sa shipwreck ng S.S. Central America.

Ayon sa appraisers at fashion historian, ang panta­lon na ito ang “Oldest Known Pair of Jeans in the World”.

Mahigit 7,500 katao ang sumali sa subasta at isang hindi pinangalanang antique collector mula New York ang nakapag-uwi ng pantalon sa halagang $114,000.

Lumubog ang S.S. Central America noong Setyembre 1857 habang naglalayag mula California patungong New York dahil sa malakas na Ca­tegory 2 hurricane. Tinawag na “Ship of Gold” ang S.S. Central America dahil nagla­laman ang barkong ito ng mga ginto na milyun-milyon ang halaga.

 

vuukle comment

ANTIQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with