^

Punto Mo

EDITORYAL - Tunawin ang shabu para hindi ma-recycle

Pang-masa
EDITORYAL - Tunawin ang shabu para hindi ma-recycle

NIRE-RECYCLE ng mga corrupt PDEA officials at agents ang nakukumpiskang shabu kaya hindi nauubos ang shabu sa bansa. Ganyan din ang ginagawa ng mga pulis na nasa drug enforcement unit. Paikut-ikot lang. Kapag nakasamsam, ibebenta uli nila ito. Kapag nabenta na, huhulihin uli nila at wala nang katapusang pag-ikut-ikot ang shabu saan mang panig ng bansa. Ito ang dahilan kaya imposibleng mapahinto ang bentahan ng droga. Mahirap mapatigil sapagkat ang drug enforcers ang sangkot.

Marami nang naisagawang pagsalakay ang PDEA sa mga sindikato ng droga sa bansa at maging ang mga maliliit na “tulak”. Sila ang nagsasagawa ng buy-bust. Ngayong taon na ito, tone-toneladang shabu na ang kanilang nalambat sa tulong din ng mga pulis.

Kabilang sa pinakamalaki nilang huli ay noong nakaraang Setyembre ng isang pulis mula sa Manila Police District-Drug enforcement unit ang nahulihan nila ng isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Marami pa silang nadakma kabilang ang dalawang Chinese na nagmamantini ng shabu laboratory sa isang ekslusibong subdibisyon sa Alabang. Sangka­terbang shabu ang nasamsam ng PDEA agents. Sa tuwa ni Interior Sec. Benhur Abalos ipinagmalaki pa ang nakukumpiskang shabu ng PDEA at PNP. Ngayon lang daw nakadakma ng ganito karami ang drug enforcement agency.

Ang nakapagtataka lang, sa kabila na maraming nakukumpiskang shabu, hindi nababanggit kung saan dinadala ang mga ito. Itinatago ba? Nino?

Kamakalawa, isang opisyal ng PDEA at dalawang agents ang inaresto ng PDEA at mga pulis mismo makaraang magsagawa ng buy-bust operation. Sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City. Ang mga naaresto ay sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, at agents na sina Anthony Vic Alabastro at Jaireh Llaguno. Ang kanilang driver na si Mark Warren Mallo ay inaresto rin. Nakumpiska sa mga suspek ang 1-kilo  ng shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon. Sabi ni PDEA chief Moro Virgilio Lazo, pananagutin ang mga naaresto. Hindi raw kukunsintihin ang mga ito. Bakas sa mukha ng PDEA chief ang pagkapahiya sa ginawa ng kanyang mga tauhan.

Mauulit pa ang nangyaring ito dahil nakakatakam ang kita sa shabu—milyones agad sa kakarampot na gramo. Pinakamagandang gawin ng PDEA chief ay agarang sirain o tunawin ang nakukumpiskang shabu ng kanyang mga tauhan. Pero siguruhin muna niya na walang naitago o naitabi ang mga opisyal at agents. Kung hindi sisirain ang nakukumpiskang shabu, patuloy ang pag-recycle ng mga corrupt PDEA officials at agents.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with