^

Punto Mo

Wheelchair (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PALAGAY ko may iba pa ngang dahilan kaya mainit ang dugo sa iyo ni Bart, Jong. Kasi, kung yun lang isyu sa pagtutulak ng wheelchair ang dahilan parang mababaw,’’ sabi ni Pam.

Napangiti lang si Jong.

“Oo nga Pam. Nagtataka nga ako.’’

“Pero mabuti na rin ang ginagawa mong hindi pagpansin sa ginagawa niya. Pero mag-ingat ka rin dahil iba ang ugali ng Bart na iyon—mas nagiging agresibo siya dahil hindi mo pinapansin. Para bang lalong nang-aasar. Mas tahimik ka e lalong tumitindi na asarin ka pa lalo.’’

“Hangga’t makakatiis ako, hindi ko siya papatulan. Kahit ano pa ang sabihin niya, cool lang ako.’’

“Tama. At nasa likod mo ako kapag muli kang inasar. Kasi tinataon niya ang pang-aasar kapag nasa klase tayo. Parang gustong iparinig sa iba pa nating kaklase.’’

“Yan din ang napapansin ko, Pam.’’

“Sige, lagi ka lang cool. Marami ang kakampi sa iyo kaysa sa Bart na yun.’’

“Salamat Pam.’’

Inihatid niya si Pam sa sakayan at saka siya umalis nang nakasakay na ito. Nilalakad lang niya ang tirahan nila ni Tito Mon.

Nang dumating siya sa bahay, naroon na si Tito Mon. Tahimik na nakaupo sa silya,. Parang may nangyari.

“Kumusta Tito Mon?’’

Bahagyang ngumiti lang ito.

“May problema Tito?’’

Hindi sumagot.

“Anong nangyari Tito?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with