^

Punto Mo

Pagsingil ng surge fee, ipaliwanag sa publiko

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MUKHANG dapat talagang masilip na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkarga ng Grab sa surge fee sa pasahe ng mga commuters.

Marami nang mga sumbong ang lumulutang patungkol dito.

Ayan nga at pumalag na rin dito ang grupong National Center For Commuter Safety and Protection na nagsabing tila naaabuso na umano ang mga mananakay.

Ayon sa grupo,  mistulang napagsasamantalahan na ang mga commuters dahil sa sobrang taas na ng singil sa sinasabing surge fee.

Itinuring pa nilang ilegal ang ginawang pagkarga ng Grab sa surge fee sa pasahe ng mga mananakay sa mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS).

Ang P2 surge fee ay sisingilin lamang tuwing rush hour, pero may mga sumbong na kahit hindi rush hour ay ipinapatong na ito sa mga pasahero.

Kailangang mahingan ng paliwanag  ukol dito ang Grab.

Wala pa rin umanong  kaukulang measure na naipalalabas ang LTFRB sa bagay na ito, kaya hindi ito dapat na ikarga agad sa mga pasahero.

Nauna na ring pinagpapaliwanag ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kung papaano  ikinakarga ng Grab ang pagpapatong ng surge fee sa mga pasahero ng TNVS.

Dapat din itong maayos na maipaliwanag sa mga commuters, kung paano at kailan ba ito nadadagdag.

Tanging ang alam nila dinadagdagan ang kanilang ibinabayad.

Kung nakakasunod naman, dapat ding marinig ang kanilang paliwanag para malinawan.

Gayunman, panahon na para kumilos ang mga kinauukulan para malinaw ang mga panuntunan at nang hindi naman mapagsamantalahan ang mga mananakay.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with