^

Punto Mo

Wheelchair (39)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAGKASABAY na naglakad sina Jong at Pam palabas ng school. Nag-usap sila. Seryoso si Pam sa pagsasalita.

“Bakit kaya ganun na lamang ang pagkainis sa iyo ni Bart, Jong?’’

“Hindi ko nga alam. Wala naman akong alam na dahilan.’’

“Palagay ko naiinggit sa iyo dahil mataas ang nakukuha mong grades sa mga subject natin.’’

“Posible.’’

“Pero bakit naman kaya sinabi kanina na huwag akong makipagkaibigan sa iyo. Nakapagtataka talaga. Para bang mayroon kang nagawang hindi maganda kaya hindi dapat maging kaibigan.’’

“Wala naman akong nagagawang hindi maganda sa kanya.’’

“Ano ba ang pinagmulan ng gulo?’’

“Tungkol sa nakita niyang lalaki sa España na nagtutulak ng wheelchair. Kamukhang-kamukha ko raw ang lalaki. Kakambal ko raw.’’

“Yun lang ang pinagmulan.”

“Oo. Nitong huli pinipilit niyang ako raw ang lalaking nagtutulak ng wheelchair.’’

“Parang baliw yun ano?’’

Hindi nagsalita si Jong.

“Pinipilit kang umamin na ikaw ang lalaking nagtutulak sa wheelchair? E paano ka aamin e hindi naman talaga ikaw yun at kamukha lang.’’

Hindi pa rin nagsalita si Jong.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with