^

Punto Mo

EDITORYAL - Itodo na ang pagbabakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Itodo na ang pagbabakuna

NAGTAPOS kahapon ang tatlong araw na vaccination campaign ng Department of Health (DOH) na tinawag na Bakunahang Bayan. Ayon sa DOH, matagumpay naman ang kampanya sapagkat marami ang nabakunahan. Nagsimula ang Bakunahang Bayan noong Lunes.

Kasama sa mga binakunahan at binigyan ng booster shots sa unang pagkakataon ay ang mga bata. Sa pagsisimula ng Bakunahang Bayan, sinabi ng DOH na target nilang mabakunahan ang mga batang edad 5-11 at mabigyan naman ng booster shots ang mga 12-anyos pataas. Sisikapin umanong makapagbakuna at makapag-booster sa 50 percent ng mga kabataan.

Sinabi pa ng DOH na para marami ang mabakunahan, magbabahay-bahay na sila para ang mga senior citizens na wala pang bakuna at booster shots ay mabigyan na. Hindi na kailangang lumabas ang mga senior citizens. Pati raw ang mga bata ay babakunahan din sa kanilang pagbabahay-bahay.

Gaya ng pangako ng DOH, nag-setup sila ng vaccination sites sa mga malls, palengke, schools, simbahan at iba pang publikong lugar. Lahat ay maaaring pumunta at wala nang aalalahaning problema. Wala na ang mga online registration na katulad sa nakaraang vaccination campaign. Walk-in na lahat at puwede sa kahit saang vaccination center. Kahapon, dumagsa ang mga magpapabakuna sa mga malls.

Kung noon pa ay ganito na ang ginawa ng DOH, tiyak marami nang nabakunahan. Dati, maraming hinihingi ang DOH sa mga babakunahan kaya marami ang umaayaw at tinatamad na. Mayroon pa nga na ayaw tanggapin ang walk-in at kailangan daw ay mag-online registration. Kapag hindi naka-online, hindi babakunahan.

Ang ganitong sistema ang naging dahilan kaya maraming nasayang na bakuna. Hindi nagamit dahil nga walang nagpapabakuna. May pagkukulang ang DOH sa sistema ng pagbibigay ng bakuna.

Ayon mismo sa DOH,  nasa 44 million COVID-19 vaccine doses ang nasayang sa bansa. Napakarami nito. Kung naiturok ito sa mamamayan, wala na sanang problema. Dapat ay noon pa pinagaan ang sistema ng pagbabakuna.

Nararapat magkaroon muli ng Bakunahang Bayan para mas marami pa ang mabakunahan. Marami ang gustong magpabakuna subalit hindi alam kung saan pupunta. Magkaroon pa nang maliwanag na kampanya ang DOH sa pagbabakuna. Itodo na ng DOH ang kampanya sa pagbabakuna lalo pa’t may bagong variant ng Omicron na nakapasok sa bansa at sinasabing mapanganib.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with