^

Punto Mo

Hinulaan ang sariling kamatayan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Arnold Schoenberg ay nakilala bilang talented painter at gifted music composer. Pero marami rin ang nakakikilala sa kanya na mayroon itong triskaidekaphobia or takot sa number 13. Ipinanganak siya sa Austria noong September 13, 1874 pero lumipat sa California, USA noong unti-unti nang naghahari ang mga Nazi.

Buong buhay  ay bitbit niya ang takot sa number 13. Hangga’t magagawan niya ng paraan ay iiwasan niya ang 13. Ninenerbiyos siya kapag ang edad niya ay sumasapit sa digit na ang magiging suma total ay 13. Nakakatawa at ang hindi lang niya maiwasan ay ang petsa ng kanyang kaarawan.

Noong sinulat niya ang opera na may pamagat na Moses Und Aron, sinadya niyang baguhin ang spelling ng Aaron dahil ito ay may suma total na 13 base sa numerology in alphabets.

Noong Hulyo 13, 1951 sumama ang pakiramdam ni Arnold. Noon ay 76 years old siya, na kung susumahin ang 7 + 6 ay may total na 13. Kapag ang petsa ay 13, maghapon siyang hindi lumalabas ng bahay. Pero nang araw na iyon ay bakas sa mukha ni Arnold ang pagkabalisa at namumutla ito.

“Nahihilo ako,” daing niya sa asawa.

“Tatawag ako ng doktor.”

“Huwag na, pakiramdam ko ay ngayon na ang aking katapusan. Petsa 13 ngayon at ako ay 76 na may total na 13. Masamang pangitain ito.”

Magkaganoon pa man, tumawag pa rin ng doktor ang misis nito. Eksaktong 11:45 p.m. nang bumigay ang puso ni Arnold at tuluyan nang namaalam sa mundong ito.

vuukle comment

DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with