^

Punto Mo

Wheelchair (38)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI halos humihinga sina Jong at Pam nang lumapit sa kanilang kinauupuan si Bart. Hindi pa sila nagkaklase dahil wala pa ang kanilang instructor. Nakaarko ang kilay ni Bart na para bang inis na inis. Parang puputok ang mukha sa pagkainis.

“Pam, payo ko lang huwag kang makipagkaibigan kay Jong,’’ sabi ni Bart sa matigas na tinig. Napansin ni Jong na napatingin sa kanila ang ilang kaklase.

“Bakit naman?’’

“May sa daga yan!’’

“May sa daga? Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi mo alam?’’

“Oo hindi ko alam.’’

Nagtawa si Bart.

“Okey kung hindi mo alam, saka ko na lang sasabihin sa iyo. Pero ang payo ko sa’yo, huwag kang makipagkaibigan sa kanya.’’

“Wala akong nakikitang masama sa pakikipagkaibigan kay Jong.’’

“Sige, bahala ka. Baka magsisi ka.’’

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Puwede iba na lang ang kausapin mo at huwag kami.’’

“Sige, nagpapaaalala lang ako.’’

Hindi na pinansin ni Pam si Bart.

Hanggang sa dumating ang instructor nila at nagklase na sila.

Nang matapos ang klase, may sinabi si Pam kay Jong.

“Sabay na tayong lumabas hanggang sakayan, Jong. May itatanong ako sa’yo,’’

Tumango si Jong.

(Itutuloy)

vuukle comment

WHEELCHAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with