^

Punto Mo

EDITORYAL - Smuggling ng gulay nagpapatuloy pa rin

Pang-masa
EDITORYAL - Smuggling ng gulay nagpapatuloy pa rin

WALA na bang magagawa ang Bureau of Customs (BOC) at ang Department of Agriculture­ kung paano mapipigilan ang smuggling ng agricul­tural products? Masyado nang malalakas ang loob ng smugglers at tila wala nang kinatatakutan. Sa patuloy na smuggling ng agri products, walang ibang kawawa kundi ang mga lokal na magsasaka ng gulay. Inagawan sila ng ikinabubuhay at ngayon ay nagdarahop ang ilan sa kanila. Natatalo rin ang gobyerno dahil walang nakokolektang buwis sa mga smuggled agri products.

Noong nakaraang Biyernes, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1,000 sako ng puting sibuyas na nag­kakahalaga ng P1.7 milyon sa isang bodega sa Sto. Cristo, Tondo, Manila. Walang maipakitang papeles ang may-ari ng bodega ukol sa saku-sakong sibuyas.

Kamakalawa, may nakumpiska ring tonelada ng puting sibuyas sa Port of Manila na hinihinalang galing China at nagkakahalaga ng milyong piso. Ang kargamento ay dineklarang pastries.

Hindi lamang gulay ang ipinupuslit kundi maging­ karne ng baboy at manok, frozen foods gaya ng hipon at isda.

Pinaninindigan naman ng BOC na maigting ang kani­lang kampanya laban sa mga smugglers­ ng agri pro­ducts. Noong nakaraang buwan, sinampahan­ na umano nila ng kaso ang 33 traders na sangkot sa smuggling. Ayon sa BOC, ang 33 ang responsible sa smuggling ng gulay noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P350 milyon.

Kinasuhan umano ang 33 nang paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act sa pa­mamagitan ng Deparment of Justice (DOJ). Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang kontrabando sa 33 traders ay may total dutiable value na P251.61 mil­yon. Malaki umano ang nawawala sa pamahalaan dahil sa mga smuggler ng gulay at iba pa.

Mariing sinabi ni BOC Commissioner Yogi Felimon Ruiz na patuloy ang kampanya nila sa smuggling sa pamamagitan ng profiling at pag-iins­peksiyon sa shipments at mga bodega. Sinabi ng commissioner na hindi sila titigil hangga’t hindi napaparusahan ang 33 traders na sangkot sa smuggling ng gulay.

Kung seryoso ang BOC sa pagsupil sa smugglers ng gulay, pangalanan ang 33 traders. Ihayag sa publiko ang kanilang pangalan. Dahil sa smugglers kaya ma­raming magsasaka ng gulay sa bansa ang nawalan ng ikinabubuhay. Putulin ang kanilang ginagawa na pati gobyerno ay dinadaya.

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with