^

Punto Mo

Malakas na pagtutol sa Maharlika Wealth Fund, marinig sana!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ewan na lang kung hindi pa naririnig ng mga mamba­batas ang matinding pagtutol ng marami nating kababayan sa panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Siyempre ang talagang nababahala at matindi ang pag-ayaw  sa balaking ito ay mga miyembro ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Aba nga naman, eh napupuntirya sa investment fund nito eh manggagaling sa dalawang pension fund.

Hindi ka ba mag-aalala na baka dumating ang araw matigil ang pagtanggap mo ng pensyon dahil sa hindi nagtagumpay ang Maharlika Fund.

Bakit naman yun ang pinupuntiryang pakialaman.

Kapag lumago umano ito, makikinabang din daw ang mga miyembro, eh pano nga kung hindi lumago at tuluyang malugi, ano na? 

Dahil sa matinding pagtutol, ngayon nga ay may naglunsad na ng online petition para tutulan ang naturang Maharlika Fund.

Katwiran nga nila may pera naman pala ang SSS at GSIS, eh bakit hindi na lang gamitin ito para maitaas ang pensyon at benepisyo ng mga miyembro.

Isa pa sa ikinatatakot dito, walang papel ang mga miyembro sa pamamahala sa negosyo.

Isa pang malaking katanungan dito, eh sino ang mamamahala sa sinasabing investment fund na ito na baka mangilan-ngilan lang ang makinabang habang pera ng nakakarami ang nasasapalaran.

Bagama’t may ilang negosyante ang sumusuporta sa panukalang ito, meron din naman ang nagpahayag ng pagtutol sa katwirang hindi ito napapanahon  lalo pa nga umano at nakakaranas ang bansa ng mataas na fiscal deficit.

Hindi rin naman umano   marapat na isugal o isapalaran ang pera ng mga miyembro  na ito lang ang kanilang inaasahan sa kanilang mga pagreretiro.

Huwag naman sanang ipangahas ang pera ng taumbayan na ang mayorya ay hindi sumasang-ayon sa papasukin na ganitong uri ng inverstment.

Pera nila yan, igalang kung ano ang gusto ng nakakarami.  

MAHARLIKA WEALTH FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with