^

Punto Mo

Pagkain sa murang halaga, umariba na!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NABABANAAG ang kasiyahan ng mga mahihirap sa pag­sisikap ng administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos. Pinabababa niya ang presyo ng pagkain sa pamamagitan nang pagbuhay muli ng KADIWA program na pinasimulan noon ng kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr.

Inilunsad ni PBBM ang P25.00 per kilo ng bigas para sa mahihirap na taga-Quezon City sa patnubay ni Mayor Joy Belmonte. Ipinangako rin ni PBBM na isusunod na ilalatag ang murang presyo ng mga gulay at delatang pagkain. Puwede, dahil nasa mabuting kamay ‘yan!

Teenager ako noon nang itayo ang mga Kadiwa Centers at nakita ko kung paano inabuso ng ilang barangay officials ang programa. May nakapagtayo ng bakery at mini-grocery gamit ang sasakyan ng barangay sa paghahakot ng arina at grocery items na inaangkat nila ng bultuhan sa Kadiwa centers at itini­tinda nila na may malaking tubo.

Naging wholesaler ang siste ng Kadiwa noon dahil sa maling­ pamamalakad ng mga nangasiwa. Malayo sa talagang intensiyon ng programa dahil sa pag-abuso ng retailer stores na pag-aari ng barangay officials. ‘Wag na sanang maulit ang pakabig na ayuda. He-he!

Nang maupo si Cory Aquino, nawalang parang bula ang Kadiwa at naiwan ang mamamayan na nakanganga. Wala ni isa man sa mga naging OIC governor at mayor ang nagrekomenda na ituloy ito. Dinambong pa nga raw ng mga buhong ang laman ng mga bodega ng Kadiwa!

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with