^

Punto Mo

Wheelchair (37)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

INIWAN na ni Jong si Bart at nagtungo na siya sa kanilang classroom. Habang patungo sa classroom, hindi pa rin niya talaga lubos maisip kung bakit mainit ang hininga sa kanya ni Bart. Dahil nga kaya sa perfor­mance sa klase? Lagi siyang naka­ka-perfect sa exam at active sa recitation. Pero kasalanan ba niya yun? Nag-aaral siyang mabuti. Nagpupuyat siya sa pag-aaral. Gusto niyang makatapos para makatulong kay Tito Mon at inay niya sa probinsiya. Palagay ni Jong hindi lamang ang pagiging masigasig sa klase ang ikinaiinis sa kanya ni Bart. Meron pang ibang dahilan kaya gusto siyang ipahiya nito.

Pagdating niya sa classroom ay naroon na ang classmate niyang si Pam. Wala pa ang instructor nila. Kanya-kanyang kuwentuhan ang mga kaklase niya. Maingay.

“Kanina ka pa Pam?’’ tanong niya.

“Oo. Nag-library ako.’’

“May recitation tayo mamaya ano?’’

“Oo. Nag-aral ka na?’’

“Oo.’’

“Sabagay, ikaw lang naman ang mahusay dito sa klase natin. Marami kang alam.’’

“Nagpupuyat ako sa pag-aaral, Pam. Nakasanayan ko na. Mayroon talaga akong study habit. Alam mo ba na pinakamagandang mag-memorize sa madaling araw?’’

“Talaga?’’

“Oo. Fresh na fresh ang mind natin.’’

Paanong ginagawa mo, Jong?’’

“Maaga akong natutulog at maaga akong nagigising. Napaka-epektibo. Kaya mong imemorya lahat.’’

“Gagawin ko pala ‘yan!’’

“Try mo.’’

Maya-maya, napansin ni Jong na pumasok si Bart. Mag-uusap pa sana sila ni Pam pero lumapit sa kanila si Bart. Parang inis. Naka-arko ang mga kilay. (Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with