^

Punto Mo

Wheelchair (36)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HOY Jong, sagutin mo ako! May sa daga ka ba? Ang bilis mong magtago!’’ sabi ulit ni Bart na halatang-halata sa boses ang lalo pang pang-iinis kay Jong. Talagang sinisiguro na nito na si Jong ang nakita.

Hindi na nakatiis si Jong. Nagpapanting na ang taynga niya. Pero mahinahon pa rin siyang nagsalita.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo Bart.’’

“Owwws. Malinaw ang mata ko Jong. Twenty-twenty ang vision ko. Mahirap akong magkamali.’’

“Hindi ko talaga alam, Bart. Sorry ha?’’

“Ang galing mo talaga, Jong. Pero sige, ngayon ay naka­lusot ka pero bukas o makalawa, may ebidensiya na ako at palagay ko, hindi ka na makakapagkaila. Malalantad ang katotohanan.’’

“Anong katotohanan ba ang sinasabi mo?’’

“Na ikaw ang lalaking nagtutulak sa wheelchair!’’

“Ano namang isyu kung nagtutulak sa wheelchair. May masama ba roon?’’

“E di inaamin mo na nga, Jong.’’

“Wala akong inaamin Bart. Ang ibig kong sabihin, masama ba yun kung sakali. Ano bang mali sa ganung isyu?’’

“Mahirap kang kausap! Basta isang araw, may puputok na balita,’’ sabi ni Bart at sinuntok ang kaliwang palad.

Hindi pinansin ni Jong at tinungo ang kanilang classroom.

(Itutuloy)

WHEELCHAIR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with