^

Punto Mo

Lalaki sa China, naospital matapos kumain ng buhay na alimango!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 39-anyos na lalaki sa China ang naospital at nagkaroon ng parasites sa katawan matapos kumain ng buhay na alimango!

Ayon sa isang local Chinese news agency sa Zhejiang, China, isang ama ng tahanan na itinago sa pangalang Mr. Lu ang lumunok ng buhay na alimango bilang paghihiganti sa paninipit ng alimango sa daliri ng kanyang anak.

Pagkalipas ng dalawang buwan, nakaramdam ng matin­ding pananakit ng likod si Mr. Lu at agad siyang dinala sa doktor. Sa kanyang initial check-up, nagtaka ang mga doktor dahil walang nakitang diperensya sa kanyang chest, abdomen, liver at digestive system.

Tinanong ng doktor si Mr. Lu kung may kinain ba ito na kakaiba. Sa una ay tumanggi at nagsinungaling pa ito sa doktor ngunit umamin ang misis nito tungkol sa pagkain ng kanyang mister ng hilaw at buhay na alimango.

Dahil dito, ipinasuri ang mga blood samples ni Mr. Lu at napag-alaman na na-infect siya ng tatlong parasites dahil sa pagkain niya ng buhay na alimango. Pinainom ng iba’t ibang klase ng gamot si Mr. Lu at sa kalaunan ay naka-recover na siya mula sa mga parasites at na-discharge na sa ospital.

Sa kasalukuyan, wala nang parasites sa katawan si Mr. Lu ngunit nirekomenda ng doktor na huwag siyang lumi­ban sa kanyang regular check-up.

 

CRAB

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with