^

Punto Mo

Human trafficking, tutukan nang husto

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa


NABABAHALA na ang mga awtoridad sa tumataas na mga kaso ng human trafficking sa bansa.

Marami na tayong mga kababayan ang nagiging biktima nito, na ang siste nalalagay pa sa panganib ang kanilang buhay dahil sa lugar kung saan sila dinadala na doon sila nagmimistulang mga ‘alipin’.  

Marami nang report ukol sa modus ng sindikatong sangkot dito, pero ang nakakalungkot marami pa rin sa ating mga kababayan ang tila hindi na natuto.

Hindi natin sila sinisisi, dahil sila ang biktima, pero sana ay magsilbi rin itong aral sa iba pa na huwag agad-agad maniwala sa alok na malaking kita sa ibayong dagat.

Dapat na maging maingat sa mga pakikipagtransaksyon partikular sa mga alok na trabaho sa ibang bansa.

Kung nais man nilang mangibang-bayan at doon magtrahao kailangan sa tamang proseso.

Huwag nang makipagsapalaran sa mga pangakong mabibigyan sila agad ng hanapbuhay sa ibang bansa nang hindi naman nabubusising maigi kung sino ang kanilang ka-transaksyon.Iwasan ang ‘puslitan’, dyan marami napapahamak.

Ayan na nga’t mismong si Migrant Workers Secretary Susan Ople ang nagbabala laban sa mga online illegal ­recruitment scheme.

Kadalasang inaalok sa mg Pinoy ng sindikatong sangkot ay trabaho bilang  “customer service relations” o di kaya ay “technical support” sa Myanmar at Thailand.

Maging maingat dahil marami sa ating kababayan ang ngayon nga ay naging biktima ng ‘forced labor’ kung saan ginagawa pa silang scammers o isinasangkot sila sa ilegal na gawain.

Doble-dobleng dagok ang inabot ng ilan nating mga kababayan na nabiktima ng mga ito. 

Bagamat ilan na rin sa kanila ang na-rescue ng pamahalaan at nakauwi na sa bansa.

Sa unang alok sa Thailand sila magta-trabaho pero yun pala ay dadalhin sila sa Myanmar na doon na sila dadanas ng sapilitang ilegal na pag-tatrabaho.

Mga Pinoy ang marahil eh siyang tinatarget ng sindikato, dahil na rin marahil sa galing na magsalita ng English ng maraming Pinoy na siyang ginagamit ng sindikato sa kanilang ilegal na operasyon. 

Dapat na marahil, kalusin ang mga taong dawit sa  human trafficking, mas mataas na kaparusahan pa marahil ang kailangan na maipataw sa mapapatunayang sangkot sa ganitong gawain.

vuukle comment

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with